Lumipas ang ilang araw ngunit wala pa rin akong natatanggap na notification galing sa kanya. Paminsan-minsan tinitingnan ko ang timeline n'ya. It actually feels inspiring to see someone socially and politically aware. Mapapahanga ka talaga sa mga pinopost niya. Araw-araw tinitingnan ko ang facebook niya hanggang sa tuluyan na nga niya akong inaccept. "WAAAAHHHHH TOTOO BA TO O NANAGINIP LAMANG AKO?" sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Grabe hindi ako makapaniwala dahil akala ko talaga binaliwala niya lang ang friend request ko.
Agad-agad ay tinawagan ko ang pinsan ko. "Ate omg, guess what." agad kong sabi pagkasagot ng pinsan ko sa tawag. "Crinushback ka?" sagot ni ate sabay tawa ng malakas. "Ha! How I wish ganon nga." sagot ko. "Seriously, anong meron? Napatawag ka bigla, what's the tea?" Nakangiting tanong ng pinsan ko sa akin. Tea ang tawag namin sa chismis. Nagchichismis din naman kasi kami paminsan-minsan kaya ganyan. "Friends na kami sa facebook ni Jon, finally!" Nakangiti kong sagot na may halong kilig. "Sa wakas. Happy for you beh. Sana icrushback kana niya." Pabiro namang sagot ni ate.
Todo react ako sa mga post at day niya. Sino ba naman kasi ang di magrereact eh grabe ang mga words of wisdom at may sense talaga ang mga pinopost niya. Heto naman ako todo papansin lalo na noong nalaman ko na pareho kami ng political choice at opinion. Paminsan-minsan nagrereact din siya. Ganoon lang talagaang paulit-ulit na nangyayari sa loob ng ilang buwan. Minsan naiinip na ako to the point na gusto ko ng mag face-to-face classes. Maliban sa mas naiintindihan ko ang mga lessons makikita ko rin ang crush ko, my inspiration.
Isang araw may pagtitipon na magaganap sa aming probinsya dahil may mga kilalang tao ang dadating. Isa siya sa mga nag-organize ng program. Ayon sinikap ko talaga na makadalo. Pagdating ko sa venue siya ang unang-una kong nakita pagpasok. Talagang tiningnan ko siya dahil umaasa akong titingin din siya at papansinin ako. Datapwat hindi iyon nangyari. Oo nga naman hindi talaga kami magkakilala o siguro mas sakto kong sabihin kong hindi n'ya ako kilala.
Naglakas loob akong lapitan siya. Ginawa kong rason ang free stickers na pinapamigay niya. Busy pa siya sa kanyang kausap kaya di ako agad lumapit.
Pagkatapos nilang mag-usap ay lumapit ako kaagad baka may iba na naman kasing kumausap. "Excuse me kuya may stickers ka pa ba?" tanong ko sa kanya. Syempre tawagin nating kuya para hindi halata. Oh my gosh ang bango niya sobra. At talagang yumuko at lumapit pa siya sa akin para marinig niya ako ha. I am only 5'2" kasi samantalang 5'10" naman siya. "Okay lang ba if mamaya na after ng program?" sagot niya. Hays mahihimatay yata ako. Sobrang pormal naman niyang magsalita. Ang bango-bango niya pa at sobrang pogi. Ang ganda ng mapupungay niyang mata. Kahit naman parang may dugo siyang banyaga ay bagay na bagay sa kanya ang pagiging moreno niya. Pagkatapos ng konting pag-uusap namin ay bumalik na ako sa upuan ko.
Hindi ko mabigay ang buong attention ko sa nagpeperform o di kaya nagsasalita sa stage dahil palagi siyang dumadaan. Kahit wala naman siyang ginagawa ay nakukuha niya pa rin ang attention ko. Pati paglalakad niya ay gustong-gusto ko. Napansin ko rin na bagay sa kanya ang kulay ng t-shirt niya. Grabe na talaga ang epekto niya sa akin lahat nalang sa kanya napapansin ko. Ako kaya kailangan niya mapapansin?
BINABASA MO ANG
The One
Short StoryThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...