Ang bilis lumipas ng araw. Palapit na ng palapit ang aming face-to-face classes. Naka ready na lahat ng gamit ko, ako nalang ang hindi. Sobrang kinakabahan talaga ako. Hindi na ako sanay pumasok sa paaralan.
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahihintay namin. Ang unang araw ng pagbabalik namin sa paaralan.
Sobrang aga kong gumising. Agad akong uminom ng kape para magising ang kaluluwa ko at ma energize na rin. Pagkatapos ay atsaka pa ako naligo. Naglagay ako ng shampoo at conditioner. Syempre para gumanda ang buhok ko at maging presentable naman tingnan. I also put on some body wash and body scrub on my body.
After showering I hurriedly and excitedly put on my new pair of uniform. First time ko tong masoot kaya sobrang excited ko. Naglotion na rin ako at nagpabango. Then I went down to it my breakfast.
Nagluto ang lola ko ng fried rice, corn beef at eggs. "Ang sarap at ang bango naman nito." I commended. "Syempre ako yata nagluto n'yan." Sobrang sarap talagang magluto ng lola ko.
Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako. I put on some sunscreen, loss powder, eyebrow, lip balm and lip tint to look presentable. Then I also styled my hair into a bun. Nursing student ako kaya dapat malinis at presentable tingnan.
Syempre magkikita rin kami ni crush kaya dapat maganda. Speaking of crush, nagchat siya sakin kagabi tinanong saan ang classroom. Naku baka crush din ako nito ha. Echos syempre umaasa lang ako.
Sobrang aga kong nakarating sa paaralan dahil may pupuntahan sina daddy at nakisabay lang ako sa sasakyan para hindi ko na kailangang gumastos ng pamasahe.
Pagdating ko sa classroom ay nakita ko ang mga friends ko kaya ayon matinding kamustahon pero we also made sure na na maintain namin ang social distancing.
Jon: Good morning. Are you at school already?
Bigla nalang nagnotify ang message ni jon kaya napasmile ako. "Nako si Klare ngumingiti na habang nagbabasa ng chat o." panunukso ng isa kong kaibigan. "Baka my jowa na." dagdag naman ng isa. "Wala ah. May nakita lang akong nakakatawa sa newsfeed ko." pagdadahilan ko.
Klare: Good morning. Yes, I'm in our classroom already.
Jon: Ok i'm coming.Bigla akong kinabahan ng mabasa ang chat niya. Feeling ko pinagpawisan ako ng sobra kahit my electric fan naman.
Jon: I'm outside your classroom na.
Klare: Okay lalabas ako.Sobrang kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa mga kaibigan ko. Ang bagal kong tumayo at naglakad.
"Hi!" bati ko sa kanya pagkalabas ko ng classroom. "Hi. Here's your stickers." Sabay bigay nya ng limang stickers. "Omg ang dami naman nito nakakahiya." Ang akala ko talaga bibigyan n'ya lang ako ng isa o dalawang piraso. "Ano kaba e lima nga lang yan eh." Nagsmile siya hays sobrang nakakasilaw. Ang ganda nyang ngumiti lalo na sa personal. At ang bango nya pa ha.
"Thank you so much sa stickers pati na rin ang paghatid dito sa classroom." sabi ko nahihiya pa rin. "No problem." Pagkatapos ay nagpaalam na siya na papasok na sa classroom nila. Magkalapit lang pala kami ng classroom so that means palagi ko siyang makikita.
Pagkapasok ko sa classroom sobrang laki ng ngiti ng mga kaibigan ko. "Uy diba si Jon yon." panimula ng isa kong kaibigan. "Iyon ba jowa mo Klare?" tanong naman ng isa kong kaibigan. "Nako akala ko ba crush pa lang. Ikaw ha di kana nagsasabi samin." sabi naman ng isa kong kaibigan na tila ba nagbibiro na nagtagampo. "Ano ba kayo may binigay lang siya dahil hindi niya nabigay noong mismong event." pangangatwiran ko.
Habang inaasar at hinohot seat ako ng mga kaibigan ko ay biglang dumating ang clinical instructor namin. Salamat naman. Nagklase lang kami buong maghapon. Ininform din kami sa mga bagong rules nila ngayong face-to-face na kami.
Si Jon ay nasusulyapan ko paminsan-minsan. Noong 2nd subject nga namin ay sobrang tagal ko siyang tinitigan. Lumipat kasi sila ng classroom. Nasa labas lang sila naghihintay na lumabas din ang taga ibang section na nasa classroom na lilipatan nila. Sakto namang nakatayo siya malapit sa pintuan at kitang-kitang siya sa pwesto ko. Kaya ayon tinitigan ko siya or more like pasulyap-sulyap. Pero syempre nakinig din ako sa discussion namin ha. Iba lang talaga ang kilig kapag nakikita mo inspirasyon mo.
--------------------------
Author's Note:
Hi! I hope you enjoy this update. Likes and comments are appreciated.
BINABASA MO ANG
The One
Short StoryThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...