Sobrang bilis ng panahon. Di mo aakalaing December 25 na ngayon. Pasko na. Kasalukuyan akong nag-aayos dahil pupunta raw dito saglit si Jon para ihatid ang regalo niya. Ibibigay ko na rin ang regalo ko sa kanya.
Hindi ko talaga alam kung ano ang ibibigay ko sa kanya. Noong tinanong ko rin kasi siya sabi niya wala daw siyang wishlist. Okay lang sa kanya na walang gift ang importante ay ang presence ko pero syempre di rin ako papayag ng walang gift.
Napagdesisyonan ko na gumawa nalang ng study kit for him. Mahilig kasi siyang maghighlights ng notes at readings kaya I decided to buy a stabilo highlighters. Naglagay din ako ng sticky notes at syempre dahil organize siya kahit sa scheds niya kaya may planner din. I also bought coasters na may nursing-related print for his coffee or water kapag nag-aaral siya.
Nilagay ko iyon lahat sa isang box at nilagyan ng design. I even wrote a letter and put it inside the box. Excited na akong ibigay sa kanya ito.
"Hi! Merry Christmas!" Bati niya ng may malapad na ngiti habang nakasandal sa kotse niya pagkalabas ko ng gate namin.
"Merry Christmas, Jon!" Bati ko rin sa kanya. Niyaya ko siya pumasok sa bahay. Hindi na sana siya papasok dahil sandali lang siya pero kalaunan ay napagdesisyonan niyang pumasok para magamano and to extend his greetings to my family.
"I wanted to invite you sana, but I know today is considered a family day since Christmas. So, I decided to just drop by para ibigay lang talaga ang gifts ko and to greet you in person." Pagpapaliwanag niya. He handed me his gifts. Yes gifts dahil hindi lang isang paper bag kung hindi dalawa.
"Thank you so much, Jon. Here's my gifts din pala." I gave him my gifts at sobrang lapad ng ngiti niya.
"I can't wait to open this. Thank you, Klare!"
Hindi rin siya nagtagal dahil may get together din sila ng family niya kasama ang grandparents, mga kapatid ng parents niya which is tito at tita niya, at mga pinsan niya.
Pagkaalis niya ay agad kong binuksan ang gifts niya. It's a book from my favorite author.
Note:
Merry Christmas Klare! I know she's your favorite author and you're planning to buy this book so here it is. I decided to get it for you. Hope you like it.I must say, Jon is very thoughtful. He really pays attention and remembers the things I told him.
I opened the second box. I gasped when I saw what's inside. It's a book annotation set. It has highlighters, bookmarks, transparent sticky notes na pwedeng sulatan at pens.
Hindi lang siya thoughtful. Sobrang generous din. Sobrang speechless ako dahil sa pagkaka-amaze ko sa gifts niya. I instantly message him.
Klare: OMGGGG ANG GANDA NG GIFTS MO. I LOVE IT SO MUCH! THANK YOU!
Jon: Cute. It's my pleasure, my lady.Nagblush naman ako bigla ng mabasa ang chat niya. He knows how to make my heart skip a beat talaga.
Jon: By the way, thank you so much din sa gifts mo.
Magtatype pa sana ako pero bigla siyang tumawag. Kaya nagvideo call kami.
"I love your gifts." Bungad niya ng sagutin ko ang tawag. "Hindi ko talaga alam anong ibibigay sayo dahil sabi mo wala kang wishlist. I decided to give you nalang things na I think magagamit mo talaga." I explained.
"Ano ka ba kahit ano pa yan magugustohan ko talaga sayo galing yan eh." Napangiti naman ako sa sagot niya.
"Bolero ka talaga." Sagot ko habang pinipigilan na 'wag ngumiti ng napakalaki baka makahalata siya na kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
The One
Short StoryThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...