As time passes by, mas lalo pa kaming naging mas malapit ni Jon. Mas nakikilala na rin namin ang isa't-isa. Pero kahit na ganon medyo may nararamdaman din akong lungkot. Malapit na rin kasi siyang grumaduate. Syempre masaya ako sa kanya na matatapos na rin siya sa nursing pero malungkot din kasi mamimiss ko siya. Hindi ko na siya palaging makikita dahil pupunta siya ng Cebu para mag-aral ng medicine.
1st week na ng December ngayon. Weekend kaya nagyaya si Jon na kumain kami sa isang seafood restaurant.
Naka black na skort lang ako at blue tube. Nike dunk low na university blue lang din ang sinoot kong sapatos. Syempre nagpaganda na rin ako dahil nakakahiya naman sa kasama kong sobrang gwapo. Ngunit hindi naman iyong over talaga. Kumbaga no make-up make-up look.
Patapos na ako sa make-up ko at naglalagay nalang ng liptint ng makatanggap ako ng message na nasa labas na siya.
Pagkalabas ko bumaba naman siya agad ng sasakyan.
"Hi!" Bati niya sa akin. Naghi at nagmano na rin siya kay mama sumunod kasi si mama sa akin palabas dahil gusto niya raw makilala ang kasama ko. Ayon na nga at ipinakilala ko sila sa isa't-isa.
Kung hindi ko pa nasasabi may pagka strict kasi ang mama at lolas ko. Hindi talaga ako pinapayagan gumala except kung iyong kasama kong kaibigan ay close nila at pinagkakatiwalaan. Ang tagal ko rin pinayagan magjowa dahil mas prefer talaga ni mama na makagraduate muna ako bago magjowa. Pero dahil nga nasa tamang edad na naman ako kaya pumayag na siya if ever man may manligaw daw.
"You look beautiful." Sabi ni Jon sa akin habang nagdadrive siya sa seafood place na pupuntahan namin.
Nagblush naman ako bigla. "Ha. Ah thank you." Nahihiya kong sagot at pilit pinipigilang ipakita na kinikilig.
Nakarating naman kami agad sa destination namin. Overlooking pala ito sa dagat kaya tama lang din na may dala akong cardigan if ever man na lamigin ako.
Ngayon ko lang napansin matchy-matchy pala kami ni Jon. Naka dark blue na shirt siya, black pants, at Onitsuka tiger na color blue rin.
"Wow pangalan palang ng mga seafood dishes parang ang sarap na ah." Sabi ko sa kanya habang naghahanap kami ng oorderin sa menu.
"Alam ko talagang magugustohan mo ito kaya niyaya kita dito." Kilala na talaga ako nito.
Nag-order kami ng baked scallops with cheese, mexican garlic shrimp, roasted calamari pasta, at seafood pizza.
Habang kumakain as usual nagkwentuhan kami. "Ilang months nalang graduate kana." sabi ko sa kanya.
"Oo nga eh, ang bilis ng panahon no." Sabi niya habang nakatingin sa dagat. "Pupunta ka ba agad ng Cebu after graduation?" Tanong ko at napabaling naman siya sa akin.
"Hindi pa siguro. Magrerest muna ako ng ilang weeks saka na ako pupunta kapag malapit na magstart ang klase namin." Mag-aaral kasi siya ng medicine sa Cebu.
"Mamimiss kita." Nahihiya kong sabi. Napangiti naman siya. "Mamimiss rin kita."
After namin kumain naupo na muna kami sa mga upuan sa tabi ng dagat. Nakatingin lang kami sa dagat ng bigla siyang magsalita.
"Klare may gusto sana akong sabihin sayo." Panimula niya.
"Ano yon?" Nacurious naman ako bigla.
"I like you Klare." Parang tumigil bigla ang mundo ko ng marinig ko iyon. Napabaling ako sa kanya.
Nananaginip ba ako? Pasimple kong kinurot ang kamay ko at nakaramdam ako ng sakit. Hindi to panaginip. Totoo to.
"Nagbibiro ka ba?" Alanganin kong tanong.
"No klare. Alam kong bago palang tayo magkakilala pero I want to be honest with you. Ito talaga ang nararamdaman ko." Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin.
"Nang makita ko palang picture mo sa fb aaminin ko nagandahan na talaga ako sayo. At nang nakita kita sa personal parang nagslow mo bigla." Siguro napansin niya ang nagtataka at gulat kong mukha.
"Pinapahanga mo ako sa kabaitan mo. Masaya ako na halos magkapareho tayo ng kaalaman at opinyon sa mga bagay-bagay. You complete me." Pagpapatuloy niya pero speechless pa rin ako.
"Higit sa lahat masaya at nag-eenjoy ako kapag magkasama tayo. Makita lang kitang masaya nawawala ang lungkot o pagod ko. That's when I realized that I like you." I felt the need to talk.
"I'm sorry Jon talagang wala akong masabi i'm still shocked." Pag-amin ko.
"It's okay Klare, you're not obligated to respond or to say something. I just want to let you know that I like you and it's getting deeper each day. You bring me comfort and brightens my day." Sobrang kilig na talaga ako pero di ko pinapahalata. This is not yet the right time para umamin din.
"But Klare is it okay if I court you?" Mas lalo akong na shocked. "There's no rush. Okay lang kung di mo pa masagot yan."
Natapos ang araw na iyon na sobrang shocked pa rin ako at wala akong masabi.
Ngunit pagkaraan ng ilang araw sinabi ko rin ang sagot ko. Pinayahan ko siyang manligaw. Syempre crush ko rin kasi siya pero di ko sinabi.
He inspires me to be better. Just the thought of him existing brings me comfort. Napapawi niya ang galit, lungkot, at pagod ko. Makita ko lang siya nawawala na ang bad mood ko.
Mas naging sweet at caring pa siya sa akin. Minsan pinupuntahan niya ako sa room para bigyan ng coffee, candies, or snacks. Nagdududa na rin ang mga kaibigan ko pero hindi ko pa sinasabi. Natatakot kasi akong ma jinx.
----------------------------
Author's Note:
Hola! Sana kiligin kayo sa bago kong update. Papunta palang tayo sa exciting part.
BINABASA MO ANG
The One
Short StoryThis is a story of a girl who came from a toxic relationship. He will meet someone who has the same course and political stance as her. She had a huge crush on this guy even before meeting him. They became friends and started hanging out together. U...