CHAPTER 10 (UNEDITED)

2K 42 1
                                    

"Fiancé?" Pag uulit ni Hiro bago tumingin sakin. "You haven't introduce him to me, congrats Xai." Hindi ko maipaliwanag yung ngiti nya iyong tipong mukha namang masaya pero may iba.

"Well, thank you Hiro, to be honest ikaw ang unang nakaalam." Nakangiting sagot ko, tumango tango sya bago tumingin sa cellphone nya, it's a little bit awkward.

Maya maya pa ay may sinagot syang tawag, mukhang nag mamadali sya dahil agad nya ring pinatay ang tawag.

"Excuse me Xaira, Frazy is calling me, I guess next time nalang." He hugged me before giving Laurent a man hug too. Who's that Frazy?

"Jealous." Bulong ni Laurent pagka alis ni Hiro, sakto lang para marinig ko.

"What?" Takang tanong ko, mahina syang tumawa bago umiling.

"What?" Pag balik nya sakin ng tanong.

"Whatever." Ibinalik ko ang tingin ko sa sushi na kinakain ko kanina bago mabilis na inubos yon, naalala ko naman na may appointment ako with my OB, this will be my first check up.

"Laurent may pupuntahan ka ba mamaya after nito?" Tanong ko, he nodded as answer.

"Yeah, uuwi yung sister ko from U.S susunduin ko sya sa Airport." Sagot nya bago kainin yung natitirang sushi sa pinggan nya. "Bakit may pupuntahan ka? mag papasama ka?" He looked up to me but I just shook my head as answer, palagi ko na rin naman syang kasama and besides, he should spend some time with his sister.

"Pupunta ako sa OB mamaya to take my first check up." Bahagya nyang inangat ang tingin nya sakin pagkatapos kong sabihin 'yon.

"Pwede naman kitang samahan, I must be there." Sagot nya, mahina akong napatawa bago umiling.

"Hindi na kailangan, babalitaan nalang kita, just enjoy your day with your sister."

"Who's your Ob? Ms.Alonzo?" I nodded as answer, kinuha ko na rin ang sling bag ko bago kami tuluyang lumabas sa sushi house.

Hinatid na nya ako pabalik sa unit dahil 10 - 11 am daw ay pwede nang dumating ang eroplanong sinasakyan ng kapatid nya, it's 9:38 am na rin kaya naman agad na syang bumyahe papunta sa Airport.

"Xaira!" Sigaw ni Cassidy pagka bukas ko ng pinto, tumakbo sya palapit sakin bilang pag salubong.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang isinasampay ang sling bag ko, hinila nya ako papunta sa couch bago ipatong ang paa nya sa legs ko.

"Ano ba yan Cassidy, ang bigat m— ouch." daing ko sa sakit dahil bigla nyang hinila ang balikat ko, bumaon pa ata ang kuko nya, bakit ba kasi napakahaba ng nail extensions niya.

"I have chika but first, you have to answer my question." Intrigang sabi nya, tinaasan ko sya ng kilay bago sumagot.

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Are you pregnat, be honest." Hindi ko mabilang kung ilang beses na nya naitanong sakin yan, ang kulit.

Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob na sagutin ang tanong nya.

"I- I'm.."

"You're what?" Excited na tanong nya.

"I am." Mabilis kong sagot habang nakapikit, narinig ko ang pag irit nya kaya naman naimulat ko ang mga mata ko, nakahawak sya sa bibig nya at halatang gulat dahil sa isinagot ko.

"Omg! Omg!" Hindi makapaniwalang sigaw nya kaya naman itinakip ko ang unan sa tenga ko.

"There's an angel here?" Sabi habang itinuturo ang tyan ko, inilapit nya pa ang tenga nya sa tyan ko so I tried my best to push her.

Shining for the Stars (Wattpad Ver.) Where stories live. Discover now