"Hoy buksan mo 'to!" Napalayo ako sa pinto nang biglang may kumatok don, I know that voice, it's Cassidy.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pagka-bukas ng pinto.
"Ay wow, bawal na pala ako pumunta dito." Sabi nya bago dumeretso ng pasok sa loob ng unit ko, napairap nalang ako sa hangin bago isarado ang pinto.
"What do you need?" Tanong ko ulit bago tumabi sa kanya, nakaupo na kaagad sya sa salas ko na akala mo naman sa kanya ang condo unit na 'to.
"May papanoorin ako sa Netflix, exciting'to." Sagot nya, agad nyang binuksan ang tv at pumunta sa netflix account nya.
"Anong title?" Tanong ko.
"Hand Maiden." I faced at her with disgusted look, tinawanan nya lang ako bago mag search sa Netflix.
"Seryoso ka ba? bakit 'yon? bawal 'yon sakin kadiri ah." Painosenteng sabi ko, hindi makapaniwala nya akong tinignan bago itigil ang ginagawa nya.
"Feeling birhen? tigilan mo ako ha! noong isang araw may nag punta sa inyo at tinatanong kung nasaan ka raw dahil may naiwan ka na pregnancy test sa taping." Masama nya akong tinignan bago hawakan ang magkabilang balikat ko.
"Tell me nga, sayo ba 'yon? Are you pregnant?" Inalog alog nya pa ako kaya naman hinampas ko ang kamay nya para bumitaw sya sakin.
"Gaga! hindi sakin yon." Tanggi ko, tumayo ako bago hablutin ang cereal na kinuha ko sa unit ni Laurent, nagugutom na ako.
"Sigurado ka ba na walang nangyari nung nag bar tayo? something's fishy kasi Xai, ayaw mo lang umamin."
"E, ano ngang aaminin ko e wala naman talagang dapat aminin." Bahagya pa akong napairap habang nag sasalin ng gatas sa mangkok kung saan ko ilalagay ang cereal.
"Omg start na!" Sigaw nya, napatakip ako sa tenga ko bago tumabi sa kanya, taka nya akong tinignan matapos makita ang dala kong cereal.
"Hindi ba dapat lunch ang kinakain mo? Ang tamad mo talaga mag luto!" Sigaw nya sakin, hindi ko na sya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang pag kain.
Seryoso sya sa sinabi nya kanina na Hand Maiden ang papanoorin namin, tinatakpan ko ang mga mata ko sa tuwing may mga malalaswang nangyayari, ito namang si Cassidy natutuwa pa dahil iyon naman daw talaga ang nag dadala sa palabas, ewan ko dyan.
"Hindi pa ba tapos?" Tanong ko.
"Tapos na, kanina pa." Sagot nya kaya naman inalis ko na ang kamay ko na nakatakip sa mga mata ko, masama ko syang tinignan dahil nasa bed scene parin yon.
"Fvck you Cassidy!" Sigaw ko sa kanya bago mag patuloy nalang rin sa panonood, well may mga palabas na rin ako na nagawa where may bed scene.
Nakahinga ako ng maluwag nang matapos na ang palabas, mabilis na lumingon sakin si Cassidy bago hampasin ang braso ko.
"Anong problema mo?" Inis na tanong ko sa kanya habang hinihimas ang braso ko, ang sakit kaya.
"Birthday mo na sa Dec 23 ah, anong plano mo?" Tanong nya, tinaasan ko sya ng kilay dahil don.
"January palang Cassidy ano ka ba! napakalayo pa ng birthday ko." Bulyaw ko sa kanya, nakita kong tumitingin sya ng gown sa isang online shop. "Para saan yan?" Tanong ko.
"Para sa Birthday mo." Sagot nya, baliw ba sya so much.
Umiling iling nalang ako bago tumayo at ilagay sa lababo ang pinag kainan ko, nagugutom parin ako at parang gusto ko kumain ng something maasim.
YOU ARE READING
Shining for the Stars (Wattpad Ver.)
Storie d'amoreIF YOU'RE TOO YOUNG TO READ MATURED SCENES JUST PLEASE SKIP THE CHAPTER. THANKS! She's the actress who had practically everything in her life, including money, success, family, friends, and a career. Her grandma desperately wants a grandchild from...