Kinabukasan ay nakauwi na rin ako, ayoko na rin naman mag tagal don dahil hindi naman tumitigil sa pang b-bwisit sakin si Laurent, wala syang tigil sa pang aasar, gaano ba kalaki ang satisfaction nya sa tuwing nakikita nya na naaasar ako?
Kasalukuyan akong kumakain ng blueberry ngayon, sinasawsaw ko 'yon sa toyo, nanonood rin ako ng cocomelon and guess what? nakakita ako ng pink na blueberry, it's kinda weird but I want that.
Agad kong nilabas ang cellphone ko para tawagan si Laurent.
[Hello.] Sagot nya sa tawag.
"Ah Laurent, may ginagawa ka ba?" Tanong ko, malay ko ba kung nasa hospital sya diba?
[What do you want?] Tanong nya pabalik.
"Ah, ano, wag nalang baka nasa Hospital ka." Pagbawi ko.
[Just tell me, what do you want? you craved for?]
"Blueberry." Sagot ko.
['yon lan—]
"Na color pink." Putol ko sa sasabihin nya.
[What the— saan ako makakakuha non?]
"That's not my problem anymore, but I really want blueberry na color pink, or should I call Pinkberry, it's corny so yeah bye!" Narinig ko pa syang bumuntong hininga bago ko patayin ang tawag.
Ilang oras akong nag antay na dumating sya, medyo nawawalan na rin ako ng gana dahil sa pag aantay, naubos ko na ang kinakain kong blueberry na sinasawsaw sa toyo pero until now ay wala parin sya, where the hell is him? parang blueberry na pink lang?
Napalingon ako nang biglang mag bukas ang pinto, it's him. Hinihingal pa.
"Where the hell you from?" Sigaw ko sa kanya, inirapan nya ko bago lumapit sakin.
"Here's your pinkberry." Walang ganang sabi nya bago iabot sakin ang blueberry na color pink, saan nya to nakuha?
"Ayoko na nyan." Sabi ko bago ibalik sa kanya yon, parang nanlambot ang buong katawan nya matapos marinig yon.
"Why? Binabad ko pa yan sa color food then now ayaw mo na? unbelievab—"
"Kidding lang, ang dami mong sinasabi." I cut him, mabilis kong kinain yon habang nakatingin ng masama sa kanya.
"Tumalikod ka nga." Utos ko, mabilis naman nyang ginawa yon.
"Yan, ang pangit mo kasi baka maging kamukha mo yung baby." Asar ko sa kanya, agad syang humarap sakin bago ako irapan.
"Whatever Xaira." Pikon na sagot nya, hindi ko na sya pinansin, nanood nalang ako ng tv, narinig ko naman ang susi ni Laurent so I'm sure paalis na rin yon.
"Aalis kana?" Tanong ko habang nanonood.
"Yeah, May duty pa ko, here's the password of my unit, pag may kailangan ka pumasok ka lang don, kumpleto ang stock ko." Inabot nya sakin ang papel kung saan nakasulat ang password ng unit nya, kinuha ko yon at hindi na pinansin ang pag labas nya.
Ilang oras pa akong nanood nakatulog na rin ako sa upuan at hindi na natapos pa ang palabas, nagising nalang ako dahil sa malakas na tunog ng ending song nung movie, agad kong pinatay yon bago mag punta sa kusina dahil 6pm na, wala naman akong ibang kasama dito sa condo so walang ibang mag luluto for me.
kinuha ko yung mini stairs ko para kumuha ng canned food, kasalukuyan akong pumipili ng makakain nang biglang bumukas ang pinto, nakita ko nalang na tumatakbo si Laurent papunta dito sa pwesto ko.
YOU ARE READING
Shining for the Stars (Wattpad Ver.)
Roman d'amourIF YOU'RE TOO YOUNG TO READ MATURED SCENES JUST PLEASE SKIP THE CHAPTER. THANKS! She's the actress who had practically everything in her life, including money, success, family, friends, and a career. Her grandma desperately wants a grandchild from...