CHAPTER 6 (UNEDITED)

2.3K 45 9
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa isang liwanag na nakakasilaw, teka puting liwanag- patay na ba ako?

"Nurse gising na sya." Rinig ko sa boses ni Laurent kaya naman ibinaba ko ang tingin ko, hindi pa pala ako patay nasa hospital lang.

"Bakit tumatawag ka pa ng nurse e 'di ba ikaw ang doctor?" Tanong ko, mahina syang tumawa bago tumayo, ano yon? kanina pa sya nakaupo dyan at inaantay akong magising? paano ang ibang pasyente nya?

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko, inayos nya ang dextrose na nasa kamay ko, "teka bakit naka dextrose ako?" Kunot noong tanong ko.

"You're so ingay, wag ka na mag tanong." Supladong sagot nya, oh sampalin ko to.

"Alam mo, ikaw lang ang kilala kong doctor na gamyan sumagot sa pasyente nya, you're so unprofessi-"

"Pag hindi ka tumahimik hahalikan kita." Naitikom ko ang bibig ko dahil don.

"Isang araw kang tulog that's why kailangan ka namin lagyan ng dextrose-"

"Nasaan ang baby ko?" Putol ko sa paliwanag nya.

"Nasa sinapupunan mo ata." Pilosopong sagot nya, tinanggal ko ang dextrose sa kamay ko bago tumayo.

"Teka, anong ginagawa mo?" Tanong nya, mabilis na nag tubig ang mga mata ko matapos makita na dumudugo ang kamay ko kung saan ko hinugot ang dextrose.

Pabagsak akong umupo sa kama bago mag takip sa mukha ko, malakas akong umiyak dahil sa hindi malamang dahilan, napahilamos nalang si Laurent bago umupo sa tabi ko at pahintuin ako sa pag iyak.

"Shh, stop crying. Bakit kasi bigla mong inalis? Saan ka ba pupunta?" Tanong nya, masama ko syang tinignan bago punasan ang luha ko.

"Uuwi na ako, ayoko na dito, ayoko." Sigaw ko sa kanya, kinuha nya ang kamay ko para tignan ang sugat don.

"Gagamutin ko muna ang sugat mo." Sabi nya bago kuhanin ang alcohol, mabilis kong itinago ang kamay ko nang akmang ibubuhos na nya ang alcohol.

"Bakit nanaman?" Iritang tanong nya, naiinis ako na hindi maintindihan, parang gusto kong umiyak, hindi ko maintindihan ang emosyon ko.

"Galit ka?" Naluluhang tanong ko sa kanya, mabilis nyang ibinaba ang alcohol bago punasan ang luha sa mga mata ko.

"I'm not, I'm sorry." Pag papatahan nya sakin, madiin syang napapikit nang mas lakasan ko ang pag iyak.

"I can't take this anymore, bakit ang hirap i handle ng mood nyo pag buntis." Stressed na sabi nya bago ako yakapin.

Ilang minuto pa akong umiyak bago kumalma ang sarili ko, nakayakap lang sakin si Laurent the whole time na umiiyak ako and trying his best na patahanin ako, I don't know why but I just can't control my emotions.

Humiwalay sya ng yakap sakin nang huminto na ako sa pag iyak, dahan dahan nyang hinawakan ang kamay ko bago lagyan ng alcohol ang bulak.

"This won't hurt you." Sabi nya bago ilapat ang basang bulak sa balat ko, ramdam ko ang hapdi non pero sanay naman ako, hindi ko lang talaga maintindihan ang emosyon ko kanina.

Sabay kaming napahinto nang kumalam ang sikmura ko, tinapos nya ang ginagawa nya bago lagyan ng band aid 'yon.

"What do you want to eat?" Tanong nya habang inaayos ang uniform nya, medyo nalukot kasi dahil sa pagkakayakap nya sakin kanina.

"Spicy." Nakatulalang sabi ko. "I want something spicy with ice cream." Dagdag ko bago tumingin sa kanya.

"Okay, I'll be right back." Sabi nya bago mag lakad palabas ng pintuan.

Shining for the Stars (Wattpad Ver.) Where stories live. Discover now