CHAPTER 1

4.2K 61 9
                                    

IF YOU'RE TOO YOUNG TO READ MATURED SCENES JUST PLEASE SKIP THIS CHAPTER. THANKS!

XAIRA

Kakababa ko lang sa eroplano, galing ako sa U.S and umuwi ako rito sa pilipinas dahil birthday ng pamangkin ko, also para mag trabaho.

"Ms.Xaira!" Sigaw ng team ko bago tumakbo at salubungin ako ng yakap kaya naman gano'n din ang ginawa ko.

"Miss na miss ka na namin." Sabi ni Dani habang mahigpit na nakayakap sa'kin. "Ano 'yan? May chocolate ba r'yan?" Tanong niya kaya siniko ko sila para alisin nila ang pagkakayakap nila sa'kin.

"Ako pa uutuin niyo, ayaw niyo nalang akong deretsahin at sabihin na gusto niyo lang ng pasalubong." Hinila 'ko ang maleta ko bago sila lampasan, mabilis naman silang naalarma at patakbong sumunod sa'kin.

"Meron ka bang dala? Patingin nga!" Agad nilang inagaw sa'kin ang bag ko, gano'n nalang ang pagkadismaya nila matapos makitang walang chocolate doon.

"Hala Miss Xai, bakit wala?" Kunwari pang malungkot na tanong nila kasabay nang pag hinto ng taxi sa harap ko.

"May pera naman kayo ah? Sinasahuran ko naman kayo, edi kayo nalang ang bumili!" Sagot ko bago tuluyang sumakay sa sasakyan at iwanan silang nakanganga sa Airport.

Dumeretso ako sa Condo dahil sigurado akong walang tao sa bahay ngayon, sa pagkakaalam ko ay busy silang lahat para sa paghahanda ng birthday ng pamangkin ko which is anak ng pinsan ko, nag-iisang anak lang ako kaya naman ako lang ang inaasahan nila para magka apo pero no! Hindi pa ako handa at kahit kailan hindi ako magiging handa.

Inilaapag ko ang lahat ng gamit ko nang makapasok ako sa loob ng condo, agad kong ibinagsak ang katawan ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako dahil sa byahe.

Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na rin ako ng gutom dahil hindi pa pala ako nakakapag lunch kanina.

Mabilis akong bumangon para bumili ng pagkain, hapon na rin kaya naman kailangan ko na bumili ng kakainin ko para mamaya, dahan-dahan akong lumabas sa kwarto, naka shades cap, at face mask para hindi makilala ng mga tao.

Halos mabingi ako nang may marinig akong mga ungol nang mapadaan ako sa kwartong katabi lang ng unit ko. yuck ha hindi marunong mag sara ng pinto?

Nag patuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang Elevator, papasok na sana ako kaso bigla nag sarado, paano ba naman pinindot nung lalaki nakangisi pa habang pinapanood na mag sara 'yon. Lakas mang-asar.

I walked a few more meters to reach the next elevator, that man was so annoying, to be honest I really want to slap him. How rude.

Agad akong pumasok sa Restaurant nang makarating ako pero agad akong napahinto matapos makita ang mukha nung lalaki sa elevator kanina, kung sinu-swerte ka nga naman.

Agad akong pumila para umorder, sakto naman at katapat ko sya sa pila.

Mabilis na umusad ang pila halos sabay rin nang makarating kami sa unahan.

"Hello ma'am good evening what's your order?" Tanong nung babae, sinamaan ko ng tingin yung lalaki sa elevator kanina bago sabihin ang order ko.

"Isang Chicken Soup na may halong sama ng loob paki budburan ng maitim na budhi, isa ring hindi marunong mag hintay dahil akala mo naman pagmamay-ari nya ang buong Elevator." Pagpaparinig ko, kumunot naman ang noo nung babae dahil doon, matamis ko syang nginitian bago ulitin ang order ko.

Shining for the Stars (Wattpad Ver.) Where stories live. Discover now