Limang araw na kaming nananatili dito sa Paris ni mommy, araw araw rin akong gumigising dahil sa pag susuka ko, palagi rin ako tulog at nag sisimula na rin bumaho ang ibang pagkain sa pang amoy ko, well madalas akong mahilo at sumakit ang ulo ko and lahat ng signs na yon ay signs ng pregnancy, gustuhin ko mang gumamit ng pregnancy test ay pilit ko paring pinipigilan ang sarili ko, hindi rin naman ako maniniwala dahil nga hindi pa naman doctor ang nag sasabi non.
Agad akong napababa matapos maamoy ang pagkain na niluto ni mommy, ang bango bango.
"Mom, anong niluto mo?" Tanong ko habang pababa sa hagdan, halos madapa na ako dahil gustong gusto ko na talaga makita kung ano ang niluto nya.
"It's squid bakit ba madaling madali ka sa pagbaba?" Natatawang tanong nya, mabilis akong kumuha ng kutsara bago tumabi kay mommy para mag papansin.
"Mom pwede?" Tanong ko, takam na takam na talaga ako.
"Go ahead." Parang nag dadalawang isip pa si mommy sa sagot nya pero hindi ko na yon pinansin, agad akong kumuha ng mangkok at nag lagay ng ulam don, pinapanood lang ako ni mommy habang kumakain.
"Bakit parang gustong gusto mo ata ng squid ngayon, hindi ba hindi ka kumakain nyan?" Nag tatakang tanong nya, napahinto naman ako sa pag kain dahil don.
"Ah, mom people change naman po."Kinakabahang sagot ko, itinango tango nalang nya ang ulo nya bago kumuha ng pagkain nya.
Maya maya pa ay bigla akong napahikab, pakiramdam ko ay inaantok nanaman ako, ni wala pa ata akong isang oras na gising at hindi pa ubos ang kinakain ko.
"Finished your food na para maituloy mo ang tulog mo, anong oras na rin tayo nakatulog kagabi." Ani ni mommy, tapos na sya sa pag kain, inantay nya akong matapos bago kuhanin ang pinggan ko, sya na ang nag dala non sa sink.
"Mom, what if mabuntis ako?" Out of nowhere na tanong ko sa kanya habang nag hu-hugas sya ng pinggan, bahagya syang tumigil sa pag huhugas bago ako tignan.
"I know you'll be a good mother, syempre tatanggapin namin, you're 24 years old and nasa tamang edad ka na rin, also matutuwa ang lola mo pag nangyari yon pero don't mind her, enjoy your maiden life, married life can wait." Napangiti ako dahil sa sinabi ni mommy, I found myself hugging her while crying, I don't know why.
"Why are you crying?" Tanong ni mommy, mahina akong tumawa bago umiling iling, humiwalay ako sa yakapan namin para punasan ang luha ko.
"Wala 'to mom, I can't control my emotions lang." Sagot ko, tinawanan nya ako bago bumalik sa ginagawa nya.
Umakyat ako pabalik sa kwarto para tignan kung may schedule ba na sinend si Mama Ched good to know at wala pa naman, masusulit ko pa ang moments ko with mom.
To be honest mas close ako kay mom kaysa kay dad, I don't know, si Dad kasi palagi syang umaalis nung bata pa ako and si mom ang naiiwan sa bahay kasama ko, but lately, dahil nga malaki na ako at hindi ko na rin naman kailangan ng sobrang atensyon, sumasama na si mom kay dad para sa business transactions.
Napatigil ako sa pag c-check ng messages nang biglang mag ring ang phone ko, it's unknown number.
"Hello?" Sagot ko sa tawag, he cleared his throat before saying his words, well yes he's a boy.
[Are you Ms.Xaira?] Tanong nya, medyo nabosesan ko ang boses at tono ng pananalita nya pero I'm not sure.
"I am." Sagot ko, I think it's Laurent. "What do you need?" Dagdag ko pa.
[I am the man at the bar, let's meet, you forgot something and I just want to ask if—]
"If I'm pregnant?" Putol ko sa sasabihin nya, narinig ko ang pag lunok nya dahil don. "Well I'm not, no need to worry." Agad na bawi ko.
YOU ARE READING
Shining for the Stars (Wattpad Ver.)
RomanceIF YOU'RE TOO YOUNG TO READ MATURED SCENES JUST PLEASE SKIP THE CHAPTER. THANKS! She's the actress who had practically everything in her life, including money, success, family, friends, and a career. Her grandma desperately wants a grandchild from...