Nandito ako ngayon sa taping, kasalukuyan palang nilang inaayos ang kabayong sasakyan ko dahil kailangan kong makipag karera para sa scene mamaya.
'For now, tell your partner about this one, parehas parin dapat kayong mag d-desisyon about this before you decide to abort the baby.' Napairap nalang ako matapos maalala ang sinabi ni Laurent kahapon, like wow.
"Ms.Xaira start na daw po in 5 minutes." Sabi ni Dani, tumango ako at tignan ang final look ko sa salamin bago mag lakad papunta sa open field kung saan gaganapin ang race scene.
Chineck pa nila ng isang beses ang kabayo bago ako paupuin.
"In one, two, three, action!" Malakas na sigaw ng direktor, huminga ako ng malalim bago mahigpit na humawak sa kabayong sinasakyan ko.
Bumaba ako don habang inaalalayan ako ni Hiro, his suite suits him.
"Thank you for giving me another chance." Mahigpit akong humawak sa kamay nya bago tumalon pababa sa kabayo.
"Kahit na binigyan kita ng chance, hindi naman ibig sabihin non ay napatawad na kita, nandito parin yung sakit dahil don sa ginawa mo, hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit mo nagawa yon Gerald, know that feeling? magulo." Sagot ko bago bumitiw sa kanya, huminga sya ng malalim bago mahigpit na hinawakan ulit ang kamay ko.
"Jia, wag na natin pag usapan yon, pinag sisisihan ko ang ginawa ko, let's just forget that for a while, let's just be happy for a moment, I want to spend the rest of my days with you while I'm still here at the Philippines." Nginitian ko sya bago tumango, mas hinigpitan ko ang pagkakakapit sa kamay nya bago sya higitin.
"Good luck sa surgery ha." Sabi ko habang hawak hawak sya, tumango tango sya bilang sagot.
Well sa palabas na to, Gerald or Hiro it's just a second lead, hindi pa sya ang leading man ko sa palabas na to, mamamatay si Gerald dito so may makikilala si Jia na lalaki which is yung totoong leading man nya, si Razi naman patuloy na magiging inggit kaya naman aagawin nya pati yung bagong leading man ni Jia, well that's the story.
Dalawang buwan nalang rin naman at matatapos ko na ang Drama na to, hindi ko na kailangan kabahan pag nakikita si Laurent, kabahan na baka makilala at maalala nya ako, mas lalong kabahan dahil baka buntis ako.
"Xaira watch out!" Sabi ni Hiro bago ako higitin, may malaking butas ang hindi ko yon napansin dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Cut!" Sigaw ng director, bahagya akong tumungo bilang paumanhin.
"Sorry direk." Paumanhin ko. "Let's continue na po." Dagdag ko, huminga sya ng malalim bago bumalik sa upuan nya.
"Let's just continue, in three, two, one, action!" Ramdam ko ang pag hawak ni Hiro sa kamay ko, bahagya nyang pinisil yon bago ako ngitian, ginantihan ko naman ang ngiti nya bago bumalik sa pag arte.
Halos nakailang take kami dahil napapahikab ako, kung hindi naman napapahikab ay bigla nalang matutulala, nakaupo ako sa harap ng make up table ngayon habang inaayusan ng mga make up artist para sa susunod na scene.
"Xaira are you alright? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, pati nakatulog ka ba ng maayos kagabi? Bakit parang inaantok antok ka kanina?" Worried na tanong ni Mama Ched, sumipsip ako sa kape ko bago sagutin ang tanong nya.
"I'm alright Mama Ched, nakatulog naman ako ng ayos, siguro ay na bore—"
"Imposible Xaira, mahal na mahal mo ang trabaho mo kaya imposible na sa shoot ka pa mabo-bored." She cut me, huminga ako ng malalim bago sandaling paalisin yung mga make up artist na nakapalibot sakin.

YOU ARE READING
Shining For The Stars (Wattpad Ver.)
RomanceIF YOU'RE TOO YOUNG TO READ MATURED SCENES JUST PLEASE SKIP THE CHAPTER. THANKS! She's the actress who had practically everything in her life, including money, success, family, friends, and a career. Her grandma desperately wants a grandchild from...