CHAPTER 11: MY MEMORIES CAME BACK

15 2 0
                                    

Aishi's POV

**~~~**

"Aishi... Aishi... Wakey wakey, eggs and bakey...!"

"Huh? Mom? Ikaw ba yan...?"

"Hahahaha! Ang ganda ng boses ng Mama mo, layong-layo sa akin."

Nasan ako...?

"Wow ha, nakalimotan mo na ako."

"Bumalik na naman...?!"

"Grabe ka Aishi, mukhang ayaw mo akong makita ulit ah."

Binuksan ko ang mga mata ko at bumangon. Nasaan ako? Patay na ba ako?

"You're not dead yet, Hahahaha!"

"Anong kailangan mo? Bakit nandito na naman ako?"'

Hinanap ko siya, ever since childhood nandito na siya palagi sa isip o panaginip ko. We always talked nonstop, maybe she's my imaginary friend... But times have changed, she's not a friend anymore.

"I'm not your friend anymore?" Narinig ko siya sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya, and yes she can read my mind.

She's standing near a cliff and the wind is blowing her hair majestically.

"Yes, hell I can't even see your face. Ang ginawa mo lang nung bata pa ako ay pinapadala ako sa kapahamakan. Now, do you consider yourself as my friend?"

"Kapahamakan?"

"At nag-maang-maangan pa... Every time you would manipulate me with your "wise words", the aftermath of it all is finding me in danger."

"Danger?"

"Hindi sana ako nakinig sayo noon. You pretended that you understood me, but you don't... Gusto mo lang akong makitang naghihirap."

"Pretended?"

"Yes! So please, lubayan mo na ako! Ghost, Hallucination, Inner voice, o kung ano ka man, wala na akong pake! Just leave me alone!"

"Why?"

"Nababaliw na ako dahil sayo! You disappeared 4 years ago, so why did you come back?! Are you here to mess with my mind again!?"

"... Says the person who gave up her memories..."

"What!?"

"I'm just here to help... Yes, one of us doesn't understand anything, and that's not me. Ikaw yun, Aishi... wala kang alam."

"At bakit mo ako dinamay sa lahat ng mga gulo mo!? Gusto ko lang naman mabuhay ng normal!"

"Ganon ba? Sabihin mo nga sa akin, Aishi..." Lumapit siya sa akin, ngunit hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil sa mataas niyang buhok. "Bakit hindi ka nakinig sa mga magulang mo nung aalis sana kayo sa California? At sa araw na yun, bumigay ng tatlong pagkakataon ang tadhana upang hindi ka mapadpad sa lugar kung tinatawag na "L-01's Institute Camp". Pero hindi ka sumunod..."

Gusto kong umatras, bawat salitang binibitawan niya ay may halong galit at inis. And my feet are glued to the ground, my body froze as she spoke those things.

"Bakit mo sinunod ang mga nakasulat sa confidential file na nahanap mo tungkol sa "L-01's Institute Camp"? Alam mo na ikakapahamak mo ito. Bakit napag-desisyonan mong tulongan si Jayce Shinyuu upang hanapin ang hustisya sa pagkamatay ng pamilya niya? At bakit mo inutosan si Jayce na pilitin si Layleson Law na samahan kayo sa operasyon niyo?"

Killing Camp (The Ultimates 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon