CHAPTER 15: AISHI WAS POISONED

16 2 0
                                    

Aishi's POV

Hindi parin ako makapaniwala... I'm still thinking why did the Mastermind poison us... why me and Layleson?

"Aishi...?"

May narinig akong mahinang boses kaya lumingon ako sa gilid ko. It's Phoebe, napangiti ako. I'm still processing the thought that she is the author that I've been admiring for a long time.

"A-ah... sorry..."

"Huh? Bakit ka nag-sosorry?"

"B-baka kasi ayaw mong tawagin kita sa p-pangalan mo."

"No no no, I don't mind." Mahina kong sambit sa kanya, natutulog na kasi sina Kylie at Odette. "Oo nga pala, ba't gising ka pa?"

Nakaupo ako ngayun sa sahig na may kape sa kamay, at nakaharap sa malaking transparent glass. Makikita mo dito ang buong view ng kampo, ini-enjoy ko nga yung mga lights sa labas, ang ganda sobra... may mga bituin pang kumikinang sa kalangitan.

Tahimik na tumabi sa akin si Phoebe, may dala din siyang kape sa kamay niya. Tumingin siya sa kape ko.

"Di a-ako makatulog eh... M-mukhang mahilig ka rin sa kape... P-pareho pala tayo..."

"Talaga? Ayos." Ngumiti ako sa kanya.

"O-oo nga pala... Nakita ko yung mga libro mo k-kanina sa bag mo..." Uminom muna ako ng kape bago lumingon sa kanya, pero... "A-at nakita ko yung limited edition book... y-yung "History repeats"..." bigla akong nabulunan sa kape ko.

"*cough* *cough* *choke* Ugh..."

"S-sorry...! I-I didn't m-mean t-to...!"

So nalaman na niya?! Ang bilis ah!

"Ye-yeah... I'm a fan of yours, haha..." Jesus, so awkward.

Hindi siya sumagot kaya ng sumulyap ako sa kanya, nagulat din ako. She's hiding her embarrassed face from me by burying it on her knees. Ang cute niya!

Dahan-dahan niyang kinuha ang kape niya, pero ng uminom siya dun bigla kong napansin yung mug niya. Ang familiar kasi...

"When she looked at me... the world itself shined with her smile." Yun ang phrase na nakalagay with aesthetic scribbles of flowers and butterflie----WAIT!

"Oh! Kaya pala ang familiar ng mug mo, yan ang isa sa mga iconic lines na sinabi ng bida sa story mo! Yung story na "When she looked at me", ang ganda ng scene na yun! May keychain akong binili na may same quote----"

*SPLASH*

"*cough* *cough* *choke* *choke*"

"Hala, okay ka lang? Sorry, nagulat ka yata..."

Bigla siyang nabulunan sa kape niya, kaya habang umuubo kinuha niya yung panyo niya at pinunasan ang bibig niya.

"S-so-sorry...!" Nahihiyang sambit niya, at namumula pa yung pisngi niya... so is she shy? Why is she so cute?!

I can't help but laugh at this moment, and when I gazed at her she smiled while looking away. I can't believe that I met my favorite author at this place, and to top it all off... I was able to laugh while staying inside a killing camp. This is such a calming moment while sipping coffee, but I felt something is off inside me.

I feel nauseous.

Don't tell me... This is one of the effects from the poison!?

I need my pills!

~

Jayce's POV

"Jusko, mukhang naparami ang kain ko kanina." Sambit ko sa aking sarili paglabas ko sa cr. Hinawakan ko ang tyan ko habang papunta sa direksyon kung saan nakaupo si Layleson.

Killing Camp (The Ultimates 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon