Aishi's POV
Cold yet warm...
I feel refreshed yet I feel drained...
It hurts...
But I've been at my worst...
Anong nangyari?
"Anong klaseng pills kaya ito?"
"I don't know."
"Sa tingin mo antidote 'to?"
"I'm not sure."
"Paano na to? What if hindi na siya gagaling?"
"Maghintay tayo... *sigh* let's not think negatively."
"Layle... kinakabahan ako."
"..."
May naririnig akong dalawang boses, ngunit gusto ko pang magpahinga... gusto ko pang manatili sa ganito... pero unti-unting bumabalik yung sakit...! Mas biglang sumakit ng matindi ang ulo ko.
Ayokong gumising pa... ayoko... ayaw ko---
"NO!"
Napabilis ang pag-upo ko galing sa pagkakahiga kaya bigla akong nakaramdam ng hilo.
"Aishi! Teka mahina pa ang katawan mo!"
Hinawakan ako ni Jayce upang pakalmahin at bigla naman akong bumalik sa sarili ko ng nakita ko ang mukha niya. Did I pass out? Bakit nandito ako? Anong nangyari?
"Take it easy...!" Binigyan ako ni Jayce ng tubig at tinanggap ko naman. "Here, drink this."
Dahan-dahan kumalma ang katawan ko at unti-unting nawala yung sakit sa katawan ko, several minutes after nilibot ko ang paningin ko sa room, agad ko ring napansin si Layleson na nakatayo sa pintuan. Nakatalikod siya sa amin at kanina pa siya tahimik.
Inaalalayan ako ni Jayce sa aking pagtayo, umalok kasi siyang kakain daw kami at nakaramdam naman ako ng gutom kaya sumangayon na ako. Pero bago pa kami makalapit kay Layleson bigla siyang umalis na hindi man lang ako tiningnan. Bakit kaya?
Kaya ayun, kumain na kami ng agahan. Hindi ko din namalayan na umaga na pala. At ang weird part... sobrang awkward dito, as in. Kaming dalawa lang ni Jayce ang kumain dito kasi hindi parin nagsasalita si Layleson. Tinawag namin siya upang kumain, but he just ignored us.
"Layleson! Kumain ka naman, sayang yung pagkain oh. Masamang e-ignore yung pagkain."
"..."
Ayaw niya paring sumagot. This time ako na yung nagsalita.
"Hey... The food is great, tikman mo yung pancake, ang sarap."
"..."
Still no answer.
"Jusko..." Bumulong is Jayce. "Dude, Aishi just asked you to eat. C'mon!"
"..."
He's sitting on a sofa and reading something but afterwards, he walked out and made his way to the balcony. Nag-buntong hininga si Jayce kaya I can't help but think... What the hell happened when I was asleep?
Surely, they didn't know about that, right?
Wait... how did Jayce know na mahina ang katawan ko? How did I end up here? How did my body recover from last night?
Nang na-realize ko ang sagot sa mga tanong ko, bigla kong nabitawan ang kutsara ko.
"Aishi?! Okay ka lang?"
BINABASA MO ANG
Killing Camp (The Ultimates 1)
Mystery / Thriller"The L-01 Institute Camp welcomes you with wide open arms; we are now officially enrolling ultimate students to unleash their full potential. You represent our world's expectation, and we here at this camp would therefore undoubtedly help you shape...