"She just stood there... watching him from a far. Watching him replace her. Watching him fall in love with somebody else."
***
Tumunog na ang bell. Oras na para bumalik sa klase.
English class, ugh.
Nagsimula na magturo ang kanilang guro. Gaya ng dati, lumilipad na naman ang kanyang isip.
Girls and their daydreams, tss.
"Miss Bernardo, are you listening?" Pag tawag sa kanya ng kanilang guro, si Miss Olivarez.
"Y-yes, miss" Na u-utal na sagot ni Kathryn.
"Oh really? What are we discussing right now?"
"Uhm..." Lumingon-lingon si Kathryn sa kanyang mga kaklase na para bang humihigi ng tulong.
"Change." Bulong ng kanyang katabi.
"Miss Bernardo?" Pag tawag ulit ni Miss Olivarez sa kanya.
"Uhm, we were talking about change. Changes that occur in stories. How and why a character changes"
"You may sit down" Sabi ni Miss Olivarez at agad namang napa-upo si Kathryn.
Bumalik na si Miss Olivarez sa pagtuturo.
Napa tigil ulit siya ng may biglang tumawa sa likod.
"Mr. Padilla!" Galit na sita ni Miss Olivarez.
Napatayo agad si Daniel at tumahimik.
"Give me your phone." Nilahad ng guro ang kanyang kamay. Walang nagawa si Daniel kundi ibigay ang kanyang cellphone.
"I have heard stories about you, Mr. Padilla" Panimula ni Miss Olivarez. "And in those stories, you were different. Very different"
Natahimik ang buong klase. Maging si Daniel ay hindi umimik.
Napalingon si Kathryn kay Daniel. Halatang interesado sa sasabihin nito.
"Let's pretend you are a character in one story. The story of your life. And just like every character, you changed. So what made you change, Mr. Padilla?"
Pumikit ng mariin si Kathryn.
"What are you talking about, Miss? I was born this way" Pilyong sagot ni Daniel.
Natawa ang klase. Napadilat si Kathryn. Tumalikod si Miss Olivarez at umiling-iling.
Bumalik na siya sa pagtuturo. Hindi na muli nag-ingay si Daniel.
Umalis na ang kanilang guro at pumasok naman ang panibago.
Nagsimula na magturo ang kanilang guro. Hindi na napigilan ni Kathryn ang kanyang sarili. Nilingon niya si Daniel.
Nakatitig lamang ito sa sahig.
Humarap na ulit si Kathryn sa kanilang guro.
Maya-maya, nilingon niya ulit si Daniel. Gaya ng kanina, nakatulala pa din ito ngunit laking gulat ni Kathryn nang bigla siyang tinignan ni Daniel.
Napaharap siya bigla.
Makalipas ang ilang minuto, muli niyang nilingon si Daniel.
Nakatingin ito sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Tumunog muli ang bell. Recess na.
Finally.
Napaiwas agad ng tingin si Kathryn. Tumayo si at lalabas na apat ngunit may isang boses na nakapag patigil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Once upon a time
Teen FictionWill they all get their happily ever after. . ? (Book of one shots)