The Moment I Knew

555 20 3
                                    

this is inspired by taylor swift's the moment i knew. :)

_________________________________

"Kath, are you ready?" Tanong ng event organizer.

"Ate, wait lang po. Five minutes lang po." Sabi ko at inangat ang kamay ko. Tumalikod ako at nagmamadaling lumapit sa lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang aking boyfriend.

"Hello?" Pagbungad niya sa akin.

"Where the hell are you?!" Sigaw ko at umusog papalayo sa mga tao. 

"Babe, na-stuck ako sa traffic. Sorry." Mahinang sabi niya.

"Traffic?! Are you fucking kidding me?!" Nanliit ang mga mata ko. "Ang lapit ng condo mo, for Pete's sake! It only takes 30 minutes to get here and take note, with traffic na iyon!"

"Im not on my way there..."

"What?"

"Im on my way to the airport." Bulong niya at natigilan ako. 

"I-I thought you...? Akala ko ba ako?" Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ko. But no, I cant cry. I cannot cry.

"Kath naman, ang tagal ko ng di nakita si Sarah--"

"Tagal?" Pagputol ko sa kanya. "It was barely a month, Daniel!"

"Kath," Nagbuntong hininga siya. "She asked me to fetch her and I promised..."

"But you promised me too." Tumulo ang luha ko. Napapikit naman ako, pilit na pinipigilan ang aking mga hikbi. "You promised you'd be here."

"Im sorry." Mahinang sabi niya. Tuluyan ng nakalabas ang hikbi ko. "Baby, dont cry."

"Daniel, I, you" Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi pa ako makasalita ng maayos dahil sa mga hikbi ko. 

"I'll be there. I promise. Susunduin ko lang si Sarah tapos didiretso na ako dyan, okay? I'll be there, baby. I promise I'll be there."

"I love you." Umiiyak na sabi ko. Pumikit ako ng mariin. Ang mga luha ay patuloy sa pag-agos.

"I," Natigilan siya at huminga ng malalim. "I'll see you later." 

Tinapos niya ang tawag.

He didnt even say I love you back.

Lalong tumulo ang aking mga luha.

"Kathryn! Jusko!" Sigaw ni Ate Den, ang nagmake up sa akin. Hinila niya ako sa isang yakap at mas naiyak ako. 

"Ate Den..."

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap ako sa kanya. Hinaplos niya ang aking mga pisngi. "Hindi ba siya darating?"

"Dadating daw po. May pinuntahan lang." Mahinang sagot ko at iniwas ang aking mga mata sa kanyang tingin.

"Ehh yun naman pala." Binigyan niya ako ng isang ngiti. "Tara, ayusin muna natin make up mo. Wag ka na umiyak ha?"

Hinila niya ako patungo sa harap ng salamin at pinaupo ako. Inayos niya ang make up ko at di nagtagal ay natapos na din ang pag-aayos niya sa akin.

Lumapit sa akin ang event organizer. "Kath, hindi na natin mahihintay ang escort mo. Kukulangin na tayo sa oras kung hindi pa tayo magsisimula. Sorry." Sabi nito.

Napalunok ako at tumango na lamang. Ano pa nga ba ang sasabihin ko diba? 

The next thing I knew was Ate Den was holding my hand tightly and I was being pulled to ride a car. I sat in silence and alone. The car started moving and my eyes were become teary again.

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon