"Babe. I came as soon as I could. Are you okay?" Sabi ni Daniel at tumakbo papunta sa karelasyon niya na ngayon ay nakahiga sa hospital. Maputla na siya, wala na yung morena niyang balat. Yung eyebags ni Daniel dati na lagi niyang pinagtatawanan, ngayon meron narin siya pero mas malalim. Yung katawan niya ay parang stick na sa sobra niyang payat
"I wanna go home" Sabi ni Kathryn
"Pero hindi ka pwede umuwi. Dapat dito ka lang sa ospital para mabantayan ka ng mga doctor" Sabi ni Daniel at umupo sa sofa na malapit sa kama
"Please. I only have a week to live. I dont wanna waste my last few days here. At tsaka ayoko naman na dito ako sa ospital mamatay" Kathryn
"Hey, wag ka magsalita ng ganyan. Hindi ka pa mamatay. Hindi ko hahayaan na mangyari yun" Sabi ni Daniel. Binigyan lamang siya ni Kahryn ng isang mahina na ngiti. "Sila Lola? Kailan sila uuwi?" Tanong ni Daniel para maiba ang usapan. Ang lola't lolo ni Kathryn ang nag-aalaga kay Kathryn kase namatay ang mga magulang nito dahil sa car accident nung siya ay pitong gulang lamang
"Uhm...masyado daw mahina si Lolo para makapagbiyahe. Pero they promised na they'll come home when they can. Kaso nakakalungkot lang isipin na baka hindi sila makaabot sa natitira kong 6 days" Malungkot na sabi ni Kathryn. Ang kanyang lolo't lola kase ay nakatira sa Japan. Lumipat sila doon 3 years ago kase kinailangan ng operasyon ng Lolo ni Kathryn. Sinasama nila si Kathryn ngunit hindi ito sumama dahil ayaw nito iwan ang kasintahan
"Wag ka magsasalita ng ganyan. Wag mo paniwalaan ang sinabi ng mga doctor. Ang Diyos lang ang may alam kung hanggan kailan ang itatagal natin sa mundo" Sabi ni Daniel at hinalikan si Kathryn sa noo
"Being positive, thats one thing I missed about you. I missed you so much Pot" Kathryn
"C'mere, Ba. I missed you too. I missed you a lot" Sabi ni Daniel at yinakap si Kathryn
Mayroong relasyon si Daniel at Kathryn simula nung sila ay 3rd year highscool pa lamang pero nung nag-graduate na sila ay napagdesisyonan ng mga magulang ni Daniel na lumipat na lang sa America. Nung una tumutol si Daniel dahal ayaw niya mawalay sa karelasyon pero wala na din siyang nagawa. Napag-usapan na din nila ni Kathryn na hindi sila magb-break. Umuuwi na lang si Daniel sa Pinas tuwing Pasko at bakasyon. Ngayon ay 2nd year college na sila. Umuwi sa bansa si Daniel sa gitna ng semester dahil napag-alaman na may brain tumor si Kathryn.
Magkatabing natutulog ang magkarelasyon nang biglang napasigaw si Kathryn dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo
"Ahh! Babe, ang sakit! Babe!" Sigaw ni Kathryn habang nakahawak sa ulo niya
"Shit. Babe, dito ka lang. Tatawag lang ako ng doctor. Doc! Doc!" Sigaw ni Daniel habang papalabas ng kwarto. Mayamaya ay may mga pumasok na na doctor at nurse. Ininjectionan siya at pinainom siya ng gamot para mawala ang kirot
"Miss Bernardo, bukas ng umaga ay dadalhin namin kayo sa observing room para ma-obserbahan natin ang brain mo" Sabi ng Doctor kay Kathryn
"Wag. Ayoko" Sabi ni Kathryn kaya napatingin naman sa kanya ang doctor, mga nurse at si Daniel. "Sabi mo anim araw na lamang ang meron ako para mabuhay. Ayoko aksayahin yung isa para lang ma-obserbahan niyo ako. Uuwi ako sa bahay bukas" Matigas na sabi ni Kathryn
"Pero Miss Bernardo pag-inobserbahan natin ang ulo mo edi possible na mas mag tagal ka pa" Doc
"Pero paano kung hindi na ako magtagal? Maibabalik ba sa akin yung isang araw na yun? Hindi naman diba? For my last six days, I wanna be with the people I love. I wanna be happy. I wanna die happy" Kathryn
Huminga ng malalim ang doctor. "Kung iyan ang gusto mo. Aayusin ko na ang mga dapat ayusin. You can leave first thing in the morning. Good Night Miss Bernardo" Sabi ng Doctor at umalis na sila ng kwarto. Si Kathryn at Daniel na lang ang natira
BINABASA MO ANG
Once upon a time
Fiksi RemajaWill they all get their happily ever after. . ? (Book of one shots)