Behind the fake smiles

730 26 8
                                    


Behind the fake smiles is a girl that wants to escape.

Umupo siya sa usual spot niya sa cafeteria.

Away from the noise.

Away from the people. 

Inikot niya ang kanyang tingin sa buong lugar. Just like every other high school, theirs was divided too. Nasa isang sulok ang matatalino, nasa kabila naman ang popular. Nandito ang varsity, nandoon naman ang artistic.

Napailing siya at nilabas ang kanyang cellphone. Itetext na niya dapat ang kanyang mga kaibigan nang biglang may umupo sa kanyang harap. Inangat niya ang kanyang tingin. Isa ito sa mga kaklase niya.

"Hi" Nakangiting bati ng dalaga.

"Hi" Ngumiti pabalik ang binata. "Can I sit here?"

"Sure" Tinago ni Kathryn ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

"May kasama ka ba?" Tanong nito at luminga linga sa paligid. "Nakaistorbo ba ako?"

"Oh, no. Not at all" Umiling si Kathryn. "My friends are probably busy so hindi sila makakasabay today"

"Ahh" Tumango si Daniel. Tanging ngiti na lang ang naging sagot ni Kathryn.

Tumingin muli si Kathryn sa kanyang paligid. Namataan niya si Miles. Ito'y dati'y kanyang pinakamatalik na kaibigan. Nanatili ang tingin niya doon. Pinanood niya kung paano ito makipag-usap at makipagtawanan sa kanyang mga kaibigan at karelasyon.

"Ugh, I love you!" Sigaw ni Miles at yinakap ng mahigpit si Kathryn.

"I love you too" Natatawang sagot ni Kathryn at tinapik tapik ang braso ni Miles na nakayakap sa kanya.

"I don't know what I'd do without you" Mahinang bulong ni Miles sa tenga ni Kathryn.

"Same!" Tumawa muli si Kathryn at kumawala sa yakap ng pinakamatalik na kaibigan. She held out her pinky finger. "Best friends?"

"Forever!" Nakangiting sagot ni Miles at binalot ang kanyang pinky finger sa daliri ni Kathryn.

Muli silang nagyakapan.

"She used to be your best friend, right?" Tanong ni Daniel na nakapagbalik kay Kathryn sa realidad.

"Huh?" Inalis ni Kathryn ang kanyang tingin sa dating kaibigan at nilipat ito kay Daniel. "Sorry, what?"

"Si Miles Ocampo. Best friend mo yun dati, hindi ba?" Tanong muli nito.

"Ahh" Tumango si Kathryn at bahagyang napayuko. "Yeah"

"Pero anong nangyari? Hindi na kayo masyadong close?" Inangat muli ang tingin ni Kathryn ang kanyang tingin kay Daniel. "Well, uhm, if you don't mind me asking. Okay lang kung hindi mo sagutin. Sorry kung ang pakielamero ko"

"No, it's alright" Ngumiti si Kathryn. "Hindi ko alam ang nangyari, sa totoo lang. Nagising lang ako ng isang umaga at narealize ko na wala na siya. Wala na ang best friend ko. She stopped texting and calling. She no longer messaged me. Pag nagkikita kami sa hallway, wala ng pansinan. We walked passed each other as if we've never met"

"You didnt stop her? You didnt ask her why?" Matalim siyang tinignan ni Daniel. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Nope. Why will I?" Binalik ni Kathryn ang kanyang tingin sa nasa harap niya. "Alam kong may dahilan kung bakit nangyari yun. Kilala ko si Miles. She's the type of person na kung may problema, sasabihin niya agad. Pero hindi niya yun ginawa sa amin. And tanggap ko iyon"

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon