Confessions of a Bitter Heart

457 15 1
                                    

HAPPY BALENTINES DAY!!

---------------

"Walang forever."

"Sus, magbre-break din sila."

"May paflowers flowers pa, mabubulok din naman yan."

"Puro chocolate, nakakataba yan."

"Valentines? Ano yun? Nakakain ba yun?"

"Sayang binabayad ng mga magulang nila. Puro landian lang ginagawa sa eskwelahan."

Yan ang mga katagang laging sinasabi ng isang taong bitter.

Yan ang mga katagang laging sinasabi ko.

Sabi nila, bitter daw ang ampalaya dahil hindi siya sinali sa bahay kubo.

Ang sabi ko naman, sino bang nagsabi na gusto niya sumali sa bahay kubo?! Edi wag nila siya isali! Pake naman niya! Di naman siya naiinggit ahh. Magsama-sama sila! Mga hampaslupa!

Naglakad ako papunta sa canteen at halos lahat ng lingunin ko ay mag puso na decoration. Karamihan sa nakakasalubong ko may hawak na bulaklak. Lecheng yan.

Its so fucking overrated!

Noong makapasok ako ng canteen ay agad kong nakita ang mga kaibigan ko. Naglakad ako patungo sa kanila at umupo sa kanilang harapan. Hindi naman nila ako pinansin at patuloy lang sila sa paglalandian.

Mga bwiset.

"Oh, Kath, andyan ka na pala!" Nakangiting sabi ni Diego ng ibaba niya ang kanyang kamay mula sa mukha ni Sofia. I rolled my eyes.

Oo, nandito na ako! Oo, kanina pa ako nandito! Kung sana ay hindi kayo naglalandian ay napansin niyo na ako!

Binigyan ko sila ng isang naiiritang ngiti at napahalakhak naman ang dalawang nasa harapan ko. Punyeta.

"Hindi mo man lang ba kami babatiin?" Natatawang sabi ni Sofia.

Naningkit ang mga mata ko. "Babatiin? Bakit? Birthday mo ba? Hindi niya naman anniversary ahh?"

Lalong lumakas ang kanilang tawanan. Konting konti na lang and I swear may usok na nalalabas mula sa ilong ko. "Valentines day! Duh!"

"I dont celebrate that shit. Sorry." Ani ko at tumayo na. 

Hindi ko na sila hinintay na tawagin pa ako. Hindi na din ako nagtangkang magpaalam sa kanila. Bayaan mo sila dun. And if I know, mas gusto nila yun kase makakapaglandian na sila ulit nang walang abala! 

Sa bawat pag apak ko ay may nahahagilap ang aking mga mata na dalawang taong naghaharutan. 

Tangina. Bakit kase hindi ako pinayagan ni mama na umabsent?

"Happy valentines day, bebe ko!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan pero hindi ko na nilingon. Patuloy lang ako sa paglalakad. Pake ko naman sa kanila.

"Happy valentines day."

"Happy valentines day."

"Happy valentines day."

Paulit ulit ko yang naririnig buong araw. Putragis. Sino ba ang nag imbento ng valentines na yan?!

Nagring ang cellphone ko kaya agad ko itong nilabas mula sa bag ko.

From: Manong

Kath nasira yung kotse nasa shop pa ako mga isang oras pa bago ako makapunta dyan sayo

Nanlaki ang mga mata ko at halos ibato ko na ang cellphone ko. Leche! Leche talaga! Kung minamalas ka nga naman!

Ngayon, stuck ako ng isa pang oras dito sa punyetang paaralan na ito at makikita ko ang mga naglalambingan. Malas talaga!

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon