If Only

464 11 0
                                    

someday ill stop writing about you.

--------------------------------------------------

"So how does it feel?" Tanong ko at agad siyang napalingon sa akin. I gave him a small smile.

"How does what feel?" Kumunot ang kanyang noo.

"How does it feel to see her smile but you're not the reason behind it anymore?" Binalik ko ang aking tingin sa dalawang tao na nagtatawanan.

May naiwan ako sa classroom kaya ako bumalik nang madatnan ko si Daniel dito sa second floor. Nakatingin siya sa baba kaya sinilip ko ang tinitignan niya. Si Kathryn at si Angelo na nagtatawanan.

"I dont know what you're talking about." 

"Oh c'mon, Dj." Bahagya akong tumawa at tinignan siya. Nilingon niya rin ako. "I may be Kathryn's best friend but I'm your friend too. Kilala kita, Daniel."

"Julia..."

"You like her, don't you?" Tinignan ko muli sila Kathryn at bigla naman napatingala si Kathryn kaya nakita niya kami. Binigyan niya kami ng isang matamis na ngiti at kinawayan. Napalingon din si Angelo sa amin at tumango. Nginitian ko siya.

"Una na ako." Mahinang sabi ni Daniel at nag simula nang maglakad. Hinabol ko siya agad at hinawakan ang kanyang siko. Napatigil naman siya at tumingin sa akin.

"Dj,"

"Whatever I feel for her doesn't matter anymore, Julia. Kung gusto ko man siya o ano, hindi na iyon importante. It doesn't matter." 

"Usap tayo." Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at hinila patungo sa mga upuan.

"Ano pa ba ang kailangan natin pag usapan?" Tanong niya habang dahan dahang umuupo sa aking tabi.

"You like Kathryn, don't you?" Tanong ko ulit at natahimik naman siya. In his silence, I found my answer. "Alam ko wala ako sa posisyon para sabihin ito sa iyo. It's not my thing to tell but...she liked you too, you know." 

"What?" Nanlaki ang kanyang mga mata.

"That seemed to have gotten you attention." Tumawa ako at napailing.

"Jules,"

"Totoo, Dj. She liked you. Mula pa noon gusto ka na niya."

"Pero lumayo siya sa akin." Iniwas niya ang kanyang tingin. "She stopped looking back when she heard me. She stopped pinching me or grabbing my arm when I passed by. Yung mga ngiti niyang dati pagkalaki laki, naging matipid. Linayuan niya ako." Binalik niya ang kanyang mga mata sa akin. Kumunot ang kanyang noo. "Bakit siya lumayo?"

"Dj," Natigilan ako nang makita ko si Kathryn na papalapit. May maliit na ngiting nakaguhit sa kanyang labi. "I think you have to ask her." Kinuha ko ang aking bag at tumayo na. "I have to go."

"Julia, wait," Hinawakan niya ang aking kamay pero kumawala ako. Umalis ako at naiwan siyang naguguluhan at nakatulala sa kung saan ako naka upo kanikanina lang.

Naglakad ako papalayo. Tumigil ako ng magkatapat kami ni Kathryn. Hinawakan ko ang kanyang siko at napalingon siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang ngiti at sinuklian niya naman ito. Bahagya kong pinisil ang kanyang siko. Bumitaw ako sa aking hawak at naglakad na si Kathryn patungo kay Daniel.

Nilingon ko silang dalawa. Nakita ko ang dahan dahang pag upo ni Kathryn sa inuupuan ko kanina. Kitang kita ang pagkabigla sa mukha ni Daniel.

Napangiti ako. Panahon na para magkaliwanagan sila. Tuluyan na akong naglakad papalayo.


K A T H R Y N 

"Hi," Sabi ko at umupo sa kanyang tabi.

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon