"I," Inipit ni Kathryn ang kanyang buhok sa likod ng tenga niya. Huminga siya ng malalim. "I like you."
"Im sorry." Iniwas ni Daniel ang kanyang tingin. Mayamaya ay binalik niya ang kanyang tingin sa dalaga. Nagtatangkang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Kathryn. "Kathryn," Sinubukan ni Daniel lumapit pero tinaas ni Kathryn ang kanyang kamay para pigilan ito.
"Okay lang ako." Sabi ni Kathryn at tumawa. Ngunit kasabay ng kanyang ngiti ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Kath..."
"No." Umiling si Kathryn at pinunasan ang kanyang pisngi. "Okay lang ako. Okay pa ako."
Hinawakan ni Daniel ang mga kamay ni Kathryn pero agad itong binawi ng dalaga. "Kath naman..."
"Okay lang ako." Ngumiti si Kathryn. "U-una na ako ha? Mag gagabi na." Tumalikod na ito at nagsimula na maglakad.
"Kathryn," Hinawakan ni Daniel ang siko ni Kathryn at hinila ito patungo sa isang mahigpit na yakap. Hindi na napigilan ni Kathryn ang kanyang sarili at tuluyan na siyang humikbi sa bisig ni Daniel. "Im sorry."
"Ano ka ba," Humiwalay si Kathryn sa yakap at pinunasan ang kanyang buong mukha. Binigyan niya si Daniel ng isang totoong ngiti. "Alis na ako." Sabi ni Kathryn at tumalikod na muli.
"Kath..." Muling hinawakan ni Daniel ang kamay ni Kathryn. Agad na napalingon naman ang dalaga.
"Okay lang ako. Okay pa ako." Ngumiti muli si Kathryn at binawi na ang kanyang kamay tapos tuluyan na siyang tumakbo papalayo.
Naiwan si Daniel doon habang pinapanood ang kanyang kaibigan na naglalakad ng luhaan. Madaming bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan.
I hope someday, you'll find a guy that will love you the way you will love him.
I hope next time we see each other, those tears wont be falling from your eyes anymore.
I hope one day, when you say that you're okay, you'll truly mean it.
________________________________________________
okay lang ako. okay pa ako. :)
BINABASA MO ANG
Once upon a time
Teen FictionWill they all get their happily ever after. . ? (Book of one shots)