Her Side

752 13 3
                                    

(If you read Out of the Limelight, you know these characters)

You know Victoria's side. Now, its time for you to know her side... Alexandria's side.

----------------------------

"Alden, ano ba! Bumangon ka na nga dyan!" Sigaw ni Tori habang yinuyuyog ang kaibigan. Dumapa naman si Alden at nagtago sa loob ng kumot. "Urg! Ano ba, Alden!!"

Biglang bumakas ang pinto at pumasok ang nanay ni Alden. Napa usog naman patalikod si Tori. Hinila ng ina ang kumot papalayo sa katawan ng anak at piningot ito patayo.

"Aray, Ma. Masakit!" Angal ni Alden.

"Dapat lang yan sayo! Bumangon ka na't maligo. Unang araw ng pasok, male-late ka! Dinamay mo pa si Tori!" Sigaw ng nanay niya sa kanya. Napakamot naman ng batok si Alden habang si Tori naman ay nagpipigil ng tawa sa isang tabi.

"Eto na po, eto na. Maliligo na" Sabi ni Alden habang pinupulot ang twalya at mga damit. Tumango naman ang nanay niya at nginitian si Tori bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Buti nga sayo" Pang-asar ni Tori at binelatan si Alden. Napalingon naman si Alden sa kanya at kinilit siya hanggan sa napahiga sila sa kama at nauwi sa wrestling. "Ano ba! Pepektusan talaga kita! Maligo ka na nga!"

"Brutal ka talaga" Umi-iling na sabi ni Alden at tumayo na mula sa kama. Pinulot niya ulit ang mga gamit niya at pumasok na ng banyo.

Nanatili naman si Tori na nakahiga sa kama. Pinikit niya ang kanyang mga mata at tinakpan ang mukha.

Si Tori, short for Victoria, at si Alden Christian ay mag best friends mula pre-school. Nag-agawan ng upuan hanggan sa nauwi sa napaka gandang pagkakaibigan. Ngayon ay 3rd year high school na sila, nanatili paring matatag ang samahan nila. Ngunit  gaya ng halos lahat ng storya ng mag best friend na lalaki't babae, may nahulog. Ang kawawang Victoria. Pero gaya rin ng lahat, hindi niya inamin at wala siyang balak aminin. Ika nga nila; kung napaka ganda na ng samahan, wag na gumawa ng paraan para butasan. At para kay Victoria, ang nararamdaman niya ang butas. Ang nararamdaman niya ay ang ikakasira ng pagkakaibigan nila ni Alden.

"Kaibigan lang, Tori. Tanggapin mo na. Mas mabuti na yun kesa sa wala" Bulong ni Tori sa sarili bago punasan ang luhang pumatak mula sa kanyang mata.

***

"Wait, wait, wait" Sabi ni Alden at hinatak si Tori pabalik. "Sino yun?"

"Huh? Sino?" Tanong ni Tori at nilingon ang tinititigan ni Alden. "Ahh, si Dria. Kaklase ko. New student"

"Bakit di ko siya nakita last week?" Dagdag ni Alden habang nakatingin parin dun sa babae na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Unti unti namang nababasag ang puso ni Tori ngunit pinilit na lang niyang wag pansinin. 

"Ngayon lang siyang 2nd week pumasok ehh"Ngumiti naman ng peke si Tori at sinundot ang tagiliran ni Alden. "Bakit type mo?"

"Oo," Nakangiti niyang sagot at napalingon saglit sa matalik niyang kaibigan ngunit agad ding binalik ang tingin sa babae na kasalukuyang naglalakad papalayo kasama ang mga kaibigan niya. "Lakad mo ko?"

"Ha? Ayoko!" Gulat na sigaw ni Tori. "Ni hindi ko pa nga nakakausap yang babae na yan ehh. Tsaka baka naman hindi yan mabait. Itsura pa lang oh. Mukha ng mataray at maarte"

"Ehh paano natin malalaman kung hindi mo kikilalanin, diba?" Pilyong ngumiti si Alden at tumingin kay Tori. "Please, Tori? For me?"

Nakita ni Tori kung paano tignan ng pinaka matalik na kaibigan yung Alexandria at nakakasigurado siya na ni isang beses, hindi niya pa nakita yung tingin na iyon. Para bang biglang nagkakulay ang mundo nito. Para bang nakita na nito ang langit. Sumikip ang dibdib ni Tori pero ano ba naman ang magagawa niya diba? Lahat naman tayo gustong makitang masaya ang mahal natin sa buhay.

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon