Sinong gusto ng dedication? Comment kayo, dedicate ko sainyo if may gusto lang naman XD Thanks.
Zia's POV
"Stalker? Tss. Masama bang mamasyal sa mall?" tanong ni Aljur at hinatak si Roxanne sabay akbay. Kinilig pa nga yung hipon eh!
"Ahh, edi hindi niyo pala kami iniistalk?" tanong Christian at naggrin.
"Oo nga ano bang akala niyo?" sagot ni Aljur. *sigh* sa bagay ano nga bang iniisip ko at umasa kong nagseselos siya samin ni Christian kaya sinundan niya kami dito sa mall. Eh kasama niya nga pala yung hipon sa dami-dami ng kasama yan pa! Pero pwede na rin atleast hindi yung unggoy!
"Edi nag-dedate pala kayo niyang kasama mo?" tinitigan ni Christian yung hipon ng parang nanlalait. Buti nga!
"G-ganun na nga!" okay confirm babaero si Aljur! May unggoy na may hipon pa san ka pa?! kay Aljur kana! Makisalo ka na din! Para masaya!
"Since nagdedate din naman kami ni Zee, edi magdouble date na lang tayo. *grin*" O.O WAAAHHH. Baka mamaya ano isipin ni Aljur ko- teka ano naman?! may kadate din naman siya eh!
"S-sige!" sagot ni Aljur. Sakto namang paghawak ni manyak sa kamay ko!
"Wa-"
"Shhhh! Wag kang maingay hayaan mong hawakan ko muna yung kamay mo." sabi nitong nag-tetake advantage na Christian na to tsaka kami naglakad ng HHWW!! Sorry Aljur mahlabs ko :'(
Nagpunta kaming Time Zone tsaka naglaro nagpapagalingan pa nga sa basketball yung dalawa eh. Syempre talo si Christian puro sablay shoot eh! Si Aljur puro shoot! Baka malupit yan! Pagtapos naming mapagod sa paglalaro actually sila lang! Ako? walang sawa sa kakatitig paano chansingan ni hipon si Aljur ko sa tuwing mananalo siya sa laro nila Christian.
Patalo kasi tong Christian na to eh. Kaya nung nagutom pumunta na kami sa KFC para dun kumain.
"Anong gusto mo?" tanong ni patalong Christian
"Bakit libre mo?" tumango si Christian at ngumiti.
"Kahit ano basta mabubusog ako." sagot ko at umirap pa.
"Kayo?" tanong niya sa dalawa.
"Lilibre mo rin ako fafa Christian?" tanong nung hipon.
"Oo kayo ni Aljur treat ko na" sagot ni Christian at ngumiti pa.
"Ako na samin." aniya tsaka tinignan yung wallet niya. Napalunok siya nang mapatingin siya sa wallet niya. Im sure walang laman yan! Allowance niya lang yan this week. Tapos friday na! edi wala na yan -,-
"Sagot mo na lang lahat Christian kung manlilibre ka talaga dapat kusa wag kanang magtanong!" itinulak-tulak ko pa si Christian sa counter napailing pa siya at napangiti pero umoo na din! Para san pa yaman niya diba!?
BINABASA MO ANG
Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]
HumorAng Istoryang ito ay Rated SPG! " SUPER PATAY GUTOM " Saan? Basahin niyo nang malaman niyo. XD