Chapter 23: "Ako Na Lang"
Zia's POV
"Puta Zee! Ikaw pa first move!?" mapang-asar na sigaw sakin ni Christian kaya napasimangot ako sa kanya. At alam niyo kung ano pa ang ikinakainis ko nagpakilala siya kayla mama na manliligaw ko. Edi syempre biglang nagpeso sign yung mata ng nanay ko at ipinaghanda pa niya ng meryenda tong manyakis na to.
Samantalang kay Aljur bwisit na bwisit siya.
"Sayo ko kasi natutunang mag-first move!" totoo naman sa kanya eh! Diba lagi niya kong ninanakawan ng halik!!! Nakita kong nabwisit yung niya.
"Iba pa din kasi babae ka!" napabunong hininga siya ar tumingin sakin.
"Okay Zia" eh! Zee tawag niya sakin tas Zia naman ngayon?
"sorry kung basta-basta na lang kitang ninanakawan ng halik sorry hindi ko mapigil kasi ang sarap ng labi mo" natatawang sabi niya kaya binatukan ko siya. Walanghiyang manyakis to! Ginawa pang desert ang labi ko!
Akala ko seryoso siya pagsosorry niya eh. May halo din palang kamanyakan! Pero totoo naman kasi yun! XD
"Manyakis ka talaga!" natatawa siya pero nakatitig pa din siya sa mata ko.
"Zee" seryosong tawag niya sakin aba loko to? Gagawa pa ng chapter ng kadramahan nanaman niya!
"Oh anong kamanyakan nanaman naii---"
"Seryoso ko nung sinabi ko sa mama mo na liligawan kita." aniya tsaka ngumiti teka nga? Ano daw!? O.O Liligawan niya ko?! Naku Christian wag mokong dadaanin sa ganyan mo! >.<
"Haha? A-anong pinagsasabi mo!? May nakain ka bang nahaluaan ng magic sarap?!" seryoso at nanlalaking matang tanong ko sa kanya. Grabe na talaga ang Beauty ko! JuiceColored! Patawarin niyo ako sa sobrang ganda ko.
"Yung Bananacue lang at juice mna binigay ng mama mo, unless na lang kung may gayuma yun." aniya ar malokong ngumiti. Baliw talaga tong manyakis nato! Siya na nga lang makikikaen mamimintang pa! Ang kapal!! >.<
"Uy Zee, iwas poker face" natatawang saad niya tsaka kinuha yung kamay ko. Kaya nanlaki ang mata ko at binigyan siya ng Fuck you look!
"Zee seryoso gusto kitang mahalin" - Christian.
Hala? hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi nitong manyak na to. Kulang na lang gayahin ko yung sa patalastas ng magic sarap at itanong kung "Anong nakain mo?"
Pano ba naman kasi ang isang tulad nya magugustuhan ako? Di naman sa panget ako ah! Eh ang tipo kasi nito mukhang unggoy! Aba eh .. Mala-Dyosa kaya ang ganda ko! Oo period! DYOSA!
"Zee, ako na lang? Ako na lang ang mahalin mo, hindi kita ipifriendzoned" aray ko ah! >.<
"Hindi kita sasaktan, kahit rebound lang o panakip butas moko ng buhay mo masaya na ako. Ako na lang Zee, please? Hayaan mong ligaw---" bago pa man niya matapos ang sasabihi niya naagaw ko na ang kamay ko sa kanya, at binatukan siya ng sobrang lakas! >.<
Ano bang mga pinagsasabi niya!? Nabaliw na ba siya kasi sinaktan siya nung unggoy?! At tsaka ang layo kaya ng DYOSA sa UNGGOY?
"Gago ka ba? Diba mahal mo yung unggoy? e-este si April?! Tapos susukuan mo siya?! At pipilitin monng ako ang mahal mo! Utang na loob Christian!
Alam nating naglolokohan lang tayo dito! Wag mong sukuan yung totoong laman ng puso mo alam kong si April yun! Oo slow ako! Di matalino! Pero Christian! Di naman ako bulag para di mapansing mahal ka din ni April! Ipaglaban mo siya bawiin mo siya gaya ng gagawin ko kay Aljur, kasi siya yung nilalaman ng puso ko!" tinuro ko ang puso ko at tumingin ulit sa kanya ng diretso.
"Dahil alam ko mahal din ako ni Aljur gaya ng pagmamahal ko sa kanya at balang araw magsasama din kamui!: saad ko at sa tingin ko ang pinakamahabang speech ko sa istoryang io. Bow.
Bigla namang nakaron ng katahimikan sa paligid namin ni Christian pero isang saglit pa ngumiti nanaman ang manyakis! Confirm baliw na siya! >.<
"Sa totoo lang Zee sa sinabi mong yan" lumapit lalo siya sakin sa kinauupuan naming sofa at bumulong sa tenga ko.
"Mas lalo akong naturn on sayo." ngiting-ngiting saad niya tsaka ko biglang hinalikan sa pisngi. Aba! Anak ng .. O.O
"Kiss snatch--"
"Tawagin mo pa kong ganyan at magpapakakiss snatcher na talaga ako." nag smirk siya tsaka tumayo na.
"Sana napagaan ko yung loob mo bye Zee" aniya tsaka ngumiti at tuluyan ng umalis smantanlang ako gulong-gulo at tulala pa din sa mga nangyari g-gusto ako ni Christian?? Ano bang nakain nun!? -___-
"Ma! May magic sarap ba yung bananacue?!?"
A/N: Kumpleto na po ang chapter na to. Thanks for supporting guys mwaa :*
BINABASA MO ANG
Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]
HumorAng Istoryang ito ay Rated SPG! " SUPER PATAY GUTOM " Saan? Basahin niyo nang malaman niyo. XD