Chapter 4: First Kiss! </3

156 3 0
                                    

Chapter 4: First Kiss! </3

Dedicated to @pilosopotasya hello po :D This chapter will be dedicated to you ate. Sana po magustuhan ninyo! Do vote and comment. K .. Here's The Chapter 4 enjoy reading :)

Zia's POV

Uwian na namin kaya wala nang tao dito sa room ako na lang! hinihintay ko na lang si Aljur para makauwi na kami. Magccr lang daw siya saglit. Sabi ko nga samahan ko na eh, binatukan ba naman ako?! ako na nga tong concern eh!

After 123456 years hindi pa rin siya bumabalik. Baka inindian nanaman ako ng tindero ng hotdog na yun! baka nakipaglandian pa sa mga hipong katulad ni Roxanne. Ano ba kasing meron sa Roxanne na yan na wala ako?

Tanga mo Zia! HIPON nga siya diba? at ikaw tao! hindi kagaya ng Roxanne na yan na tanggal ulo kain katawan. At hindi lang siya basta ordinaryong hipon!! dahil siya ang reyna ng mga hipon. Mwahahahahaha

So ayun napagdesisyunan ko nang puntahan siya. Kinuha ko na yung bag ko na napakabigat! joke! tatlong notebook lang naman ang laman nito eh. Tapos kinuha ko na rin yung bag niya para kapag nakita ko siya diretso na kami sa kwarto e-este uwi na pala! nung malapit na sana akong makapasok sa loob ng cr at pagmasdan ang tindero na si Aljur joke! medyo malayo pa talaga ako sa cr pero papasukin ko talaga si Aljur dun hehe. Kaya lang may narinig akong hipon na nagsalita at yun ang reyna nang mga hipon. Nagtago muna ako para hindi niya ako makita at sino mang kasama niya! muntanga lang nu? bakit ba ako nagtatago? wala naman akong binabalak na masama ah? Teka .. wala naman talaga akong kasalanan! ano ba Zia nababaliw kana! sisilipin ko lang si Aljur eh! Joke! teka napansin niyo bang puro joke ang paragraph na ito? -_-

"Sige na kasi fafa Aljur minsan lang naman to kaya sumama kana pleaseeeee." sabi nung MMH! Malanding Makating Hipon! pwede rin namang Malanding Makating Higad! badtrip! so kasama pala niya si Aljur ko! kaya pala antagal ng loko.

"Sorry Roxanne next time na lang sabay pa kasi kaming dalawa ni Zia na uuwi. Baka magtampo pa yun. Hindi ko na nga siya nasabayang kumain kanina eh." - Aljur. Super kilig p*mpem ako dito sa kinatatayuan ko. Kulang na lang siguro magtatalon at sumigaw ako! alam niyo yun? yung parang magjowa lang magtatampo ako tapos susuyuin niya. Omegesh!! kenekeleg eke XD siguro turing niya sakin parang girlfriend na! xD

"Ano ba yan fafa Aljur! minsan lang naman ito at saka lagi mo naman siyang kasabay umuwi ah! hindi naman siguro magtatampo yun. Bakit kayo na ba --------" napatigil saglit yung hipon bakit kaya??__??

"OMG! Fafa! don't tell me Girlfriend mo na siya!?" nanlaki yung mata ko sa tanong niya. Nakakabasa ba ng isip tong si Roxanne hipon! gusto ko din kasi malaman kung anong turing niya sakin.

"Huh?? naku hindi ah!! bes - kfdghkj ko lang yun." tinakpan ko yung tenga ko para hindi ko marinig ang sasabihin niya. Para hindi na ako maAljur zoned! ansakit na kasi eh. Tagos sa heart, ano ba naman kasing iniisip mo Zia! asa ka namang ituturing kang girlfriend ng bespren mo. Masyado ka kasing mag-assume! hindi porket sweet siya sayo it means .. may meaning na yun! as a friend lang yun Zia as a friend!

Tumakbo ako nang mabilis palayo dun sa tinataguan ko wala na kong pake kung makita nila ako o hindi. Naiinis ako nasasaktan. Mahal na mahal na kasi kita Aljur at ang sakit saki------

*Boogsh*

"Tss tanga!" narinig kong sabi nung nakabunggo sakin este nabunggo ko pala. Pasensya na ah! medyo maluha-luha na ah nafriendzone lang! kayo kaya mafriendzone! kinusot kusot ko ang mga mata ko para makita kung sino yung nabunggo ko o_O WTF?!

"Ch- christian." nanginginig nginig kong pagkasabi sa kanya habang nagpupulot siya ng mga libro niya. Tinignan niya lang ako kaya mas kinilabutan ako. Ay bastusan?! kinakausap hindi sumasagot! lumakad na siya palayo diba nice talking without looking?!

"Sorry!" sigaw ko naman without manners eh siya kaya nauna! bigla naman siyang lumingon sakin na inkinatakot ko! '~~' lumapit siya sakin as in sobrang lapit ansama nang tingin niya. Ano ka ba naman Zia!! Christian Valderamos yan ang valedectorian ng Batch and also the warfreak of the batch. Ewan ko nga bakit pinapaboran ng mga teacher yan eh! Dakilang warfreak naman!

"B-bakit??" tanong ko sa kanaya pero mas lumapit lang siya sakin at ngumiti.

"Gusto mo talagang tanggapin ko yung sorry mo?" mas lalo akong kinilabutan sa tanung niya sakin. Nakakaloko din kasi itong lalaking ito! takte pigilan niyo ko hahalikan ko to! >_<

"O-Oo" kahit naman medyo natatakot ako nagtapang-tapangan ako! ngumiti lang siya nang nakakaloko.

"Then." O.O He kissed me! he's kissing me! sa l-lips!!!! O_O Zia pumalag ka! kay Aljur lang yang first kiss mo!!

"Tang In* k* ah!" narinig kong pagkakasabi ni Aljur. O_O Pagkatapos niyang suntukin si Christian. Kaya napatalsik yung manyak! sa bilis nang pangyayari hindi ko na namalayan kung paano siyang nakapunta dito. Nakakahiya nakita niya yung halik. >.< tinitigan ko siya sa mata galit na galit siya kasi yung mata niya eh. Basta! umawat naman yung mga kaschoolmate namin buti na lang wala yung tropa ni Christian dito.

"Ang sarap humalik ng girlfriend mo pre." ngiting-ngiting pagkasabi ni Christian. A-ano daw girlfriend???? pinunasan lang ni Christian yung nguso niyang may dugo at ngumiti tsaka tumayo mula sa pagkakatumba niya. Tang *na ako papatay sayo eh! ninakaw mo first kiss ko T.T

"T*ng --------------" Susugod pa sana si Aljur pero inawat na siya syempre inawat ko na rin siya. Baka mabangasan pa ni Christian yan eh. Sa lugar na wala na ngang palag yung manyak.

Hinatak lang niya ako hanggang sa makalabas kami nang campus. Walang nagsasalita at walang gustong magsalita hanggang sa tricycle. Hinatid niya lang ako saamin at inantay akong makapasok, ni hindi man lang nga nakatingin sakin. *sigh* Grabe naman tong araw na ito! Waaaaaaaahhh T.T naagaw pa first kiss ko! agad-agad akong pumunta sa cr at nagsipilyo. Huhu T.T hindi na si Aljur ang 1st kiss ko.

Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon