Chapter 27: "The Truths"

76 4 0
                                    

Chapter 27: "The Truths"

"Okay na nga po Dad eh! Hindi na ako nakikipagkita kay Xian!" Pagpapaliwanag ko kay Daddy. Pero hindi siya nakikinig. At mukhang walang balak makinig.


"No April kailangan mo ulit lumipat ng school" Pagpipilit sakin ni Daddy. Bakit ba ang selfish niya?! 

Simula kasi nung malaman niyang gusto ako balikan ni Xian naging ganyan siya at dahil dun mas kinaiinisan ko siya. Kinaiinisan ko din kung bat ako naniwala sa pang-uuto niya samin. Dinamay niya pa si Xian nung nabisto namin siya!

Plano daw talaga kaming perahan ng pamilya nila Xian kaya tinukso nila kami ni Dad and it includes Xian. Palugi na din daw kasi yung company nila Xian nun dahil sa may sakit na yung papa niya!

I was so naive to believe! Mahal ako ni Xian nun eh. At kailangan niya ko! Pinalabas pa ni Dad na wala siyang kasalanan at frame up lang yun! Nakakainis. Binigyan namin siya nang chance para magbago pumunta kaming Japan. Yes may lahing japanese yung mom ko.

I thought magbabago na siya but he didn't. Mas lumala siya naging cold siya hindi lang kay mama pati din saming magkakapatid parang wala na kaming Daddy! Syempre bilang bunso at babaeng anak, ako ang malapit kay Daddy/ But when i tried to approach him may bigla naman akong nalaman.

*Flashback*

Namimiss ko na si Daddy although kasama namin siya parang ang cold naman niya gusto kong magkaron ng bonding kay Daddy hindi na kasi niya ko binibaby. Oo alam ko namng dalaga nako eh namimiss ko lang. 

Papasok na sana ako ng kwarto ni daddy ng marnig ko siyang tumatawa. Yung tawang parang pang evil! And it was the first time na narinig ko yun. 

Palihim akong sumilip sa pintuan. Wala sa loob ng kwarto si mommy at napansing kong may kausap siya sa phone.


"Yes Honey! Si Beth!? HAHAHA. Nakuha ko na yung dapat kong makuha dun!" Rinig kong sabi ni Dad. Teka? Yun yung mommy ni Christian ah si Tita Beth? Sino yung kausap niya? Honey daw? Sa pagkakaalam ko mahal yun tawagan nila ni mommy.


"Soon Honey. Oo naman makakapasyal tayo kahit san! Matutulungan ko pa yung kompanya niyo. I love you too. O sige na baka marinig pa nung asawa kong losyang. I miss you too bye." Bigla akong nawala sa sarili ko para akong estatwa hindi ko alam ang gagawin ko kung magsusumbong ba ko kay mommy ngayon pang mukhang masaya na siya. Pero masama namang itago sa kanya.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ako ni Dad.

*End of Flashback*

Pero alam niyo kung anong kinaiinisa ko?! Yun yung sa sobrang kaSelfishan niya. Nagawa niyang Ifix marriage ako sa anak ng kagaya niyang Business man! Ayaw niyang mapalapit ako at maging kami ni Xian uli dahil ayaw niyang maging "Balae" yung kabit niya si Tita beth. Tita kaBeth! =,=

Well at some point naaawa ako ako kay Tita dahil naghahanap lang naman siya ng kalingang di mabigay ng asawa niya pero bakit sa daddy ko pa?! 

Back then nag-mamaang-maangan akong walang narinig pero ang hindi niya lang alam, dun ako nagsisimulang magalit sa kanya! Sising-sisi ako na pinilit ko sila mommy na bigyan siya nang chance! Bawat araw na lumipas nun pinagsisisihan ko dahil iniwan ko si Xian! 

Mas nakokonsensya ako nung nabalitaan kong namatay na yung papa niya. Tinignan ko si Daddy at parang mukha ng masamang elemento ang nakikita ko! Napakasama niya! At patuloy ngayon mas umigting ang galit ko sa kanya.


"Soon you're going to marry Mr. Rafael's son, kaya dapat hindi kana nakikisalamuha sa iba pang mga lalaki." I look at hium yung tipong galit at suklam na suklam sa kanya. Parang binebenta niya lang ako!

Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon