Chapter 10: The Reason Why!!
Dedicated to @ Lerryc. Dedicated po sayo ate :) hope you like it po. Do vote and comment. Here's my UD (:
- Bilbil ko daw walo -__-
Aljur's POV
Hindi ko alam kung anong nagawa ko kay Zia bakit ang sungit sungit niya. May Red Tide ba siya?! Ni hindi nga niya ako dinaanan kanina nalate pa ako nang gising at ang masaklap hindi niya ako pinapansin! Hays. Ifocus ko man yung attention ko kay April hindi ko pa rin maalis yung tingin ko sa kanya kay Zia. Oo matagal ko nang gusto si Zia, mali matagal ko na palang mahal! Bata pa lang kami mahal ko na siya. Pero ayoko namang masira ang lahat at kalimutang magkaibigan kami para na din siyang kapatid saakin. Sino na lang magpapasaya sa kanya kapag nasaktan siya? pag naging kami? Sino na lang magpupunas ng mga luha niya sa mata pag iniwan siya nang lalaking mamahalin niya? Ok nang ako na ang lumayo dahil alam kong mas kaya kong masaktan, lalo na't nararamdaman kong gusto niya din ako. Pero ipilit ko mang kaya ko wala tinatablan pa din ako ng selos kagaya na lang kahapon.
*Flashback*
"Oh easy lang ramdam na ramdam mo naman agad HAHAHA." Lumayo na si Christian sa kanya. Ano nanaman kasing ginawa nia!
Kanina inis na inis siya kasi kasama ko si April tapos ngayon naman kasama na niya si Christia!?! Ano ba talaga Zia?! Tsss! Sinundan ko pa siya agad tapos eto lang ang makikita ko?! S sobrang [ag-iisip ko hindi ko na namalayang wala na pala si Zia! Nakita kong parang namimilipit na lang si Christian. Babawian ko pa sana pero mukhang nahandle na ni Zia.
*End Of Flashback*
Yun nga yung dahilan kung bakit ang init ng ulo ko sa kanya kahapon. Hindi ko naman sinasadya yun eh. Nainis lang talaga ako sa Christian na yun! Tss.
"Aljur." Hindi ko namalayang yumakap na siya sa may likuran ko. Uwian na din nun at wala nang tao sa classroom. Nanghihina ako Zia. Gusto ko mang tanggalin yung pagkakayakap niya sakin, hindi ko magawa parang magnet na kasi yung mga braso niya na nakayakap mula sa likuran ko. Ang higpit ng yakap niyang yun. Ang sarap sa pakiramdam.
"Z-zia." hinawakan ko yung dalawang braso niya at pinilit na tinatanggal tsaka ko siya hinarap.
"Ano nanam---- Bakit ka umiiyak?!" gulat na tanong ko sa kanya tsaka pinunasan yung mga luha sa pisngi niya.
"Kasi *hik* ik *hik* kaw *hik* aniya habang pinupunasan din yung mga mata niya. Kahit na pala umiiyak tong si Zia mukha pa din siyang anghel.
"Oh? anu nanaman ginawa ko Zia? Diba matapang ka? Tapos dahil lang sakin iiyak ka??" tanong ko sa kanya at inaamo-amo na siya.
"Yun na nga ang problema Aljur eh! ang tapang tapang ko! Pero bakit pagdating sayo nanghihina ako! Ang sakit Aljur!" ito yung ayoko eh. Hindi ko na siya mapatahan dahil ako mismi yung dahilan ng sakit na yan! Wala akong magawa parang nastun ako sa kinatatayuan ko si Zia kasi eh! nahihirapan ako pag nakikita siyang umiiyak! at lalo na nung dahil pa sakin.
"Alam mo bang ang hirap ng sitwasyon ko Aljur!? at ang tanga tanga ko!" Gusto kong punasan yung luhang patak nang patak sa mga mata niya pero hindi ko magawa nasasaktan din ako.
"Nainlove lang naman ako sa Besfriend ko! Nainlove lang naman ako sayo." aniya tsaka ako pinagsusuntok sa dibdib.
"Nakakainis ka Aljur! nakakainis!"
"ZIa." sabi ko tsaka niyakap sya nang sobrang higpit habang siya todo suntok sa dibdib ko. Okay lang masaktan ako. Sa ngayon eto lang ang kaya kong magawa para sa kanya, hanggang sa hindi katagalan naramdaman kong tumigil na din si Zia sa pagsuntok sa dibdib ko. Siguro napagod na din siya.
"I Love You Aljur." aniya sabay yakap sakin. I Love You More Zia ......
"Oh my ghad Fafa!?"

BINABASA MO ANG
Ang Hotdog Ni Aljur [Ongoing]
HumorAng Istoryang ito ay Rated SPG! " SUPER PATAY GUTOM " Saan? Basahin niyo nang malaman niyo. XD