Aufem's POV
"Mommy, ang bilis ni daddy lumangoyyy!" Tumatawa na sambit ni Femesia habang tinuturuan ko siyang lumangoy.
Napatawa nalang ako. Siya rin naman kasi nagsabing maging shark ang daddy niya at habulin siya. Tapos hindi rin pala siya marunong lumangoy.
Nagmana siya sa'kin.
"The shark is here. I'm gonna get youuu." Pagbaby talk ni Lukesio.
Mabilis na binuhat ni Luke si Femesia at inilagay ito sa buhangin. Ano? Sa buhangin? Sia and I are definitely swimming.
Mabilis namang bumalik dito si Lukesio habang nakangisi. "Now, Sia is in the sand."
Pinalo ko naman ang braso niya. "Bakit mo ginawa yun sa anak natin ha?"
He wrapped my waist with his hand. "I caught you, Wife. You're a captive of this shark now." He seductively said that.
Jusko. Ang sarap niyang kurutin, pero wag nalang. Kasi antagal tagal niya ng nagrereklamo kung bakit pati kurot ko hindi na malakas. He'll be worried again.
"Paano pag umiyak ang baby natin? Ikaw ba ang magpapatahan?"
He shook his head. "I told her to make her own sand castle. Hindi na yun iiyak."
"That's not the point. Tinuturuan ko pa naman si Femesia lumangoy."
He smiled and kissed my cheek. "It's okay, Love. Hindi karin naman marunong lumangoy."
Putang ina.
"Gago ka Lukesio!" He immediately let go of me and ran fast.
"Pag ako talaga nakalapit sayo--"
"Kaya mo ba? You're slow in land and you're slower here, love." He teased me.
Hindi ako galit. Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina. Gusto ko na pala siyang kurutin.
"Makakatikim ka talaga sa'kin!" Sigaw ko. Palayo ng palayo na kasi siya. Tas heto ako, naglalakad lang, mabagal pa.
"Okay, I'll stop swimming. Come here, love. Free taste ako." Tumatawa nitong sambit.
"Anong free taste ba ang pinagsasabi mo diyan?" Sigaw ko.
"Free taste, libre kang tumikim sa'kin. Diba sabi mo makakatikim ako sayo?"
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa bibig niya. Paano nalang talaga kung marinig ito ni Sia?
Mabilis naman siyang lumapit sa akin at binuhat ako. "I caught you again. Titikman mo parin ba ako, Aufem?" He seductively said.
"Ang kapal naman ng mukha mo para makipaglandian sa harap ng anak natin."
BINABASA MO ANG
His Stripper Wife
RomanceWife Series 3 I am just a woman with full of misery, angst, and unluckiness. I was expected to be like my mother, a famous stripper. Yes, for one day I became one. I was too desperate to have the money and then I found you. We started from a mistake...