09.

241 12 5
                                    

"You look sad. Hindi mo ba nagustuhan?" tanong ni Kai at hinaplos ang balikat ko. Kaagad naman akong umiling.

"I love it, Kai. I really do. It's just... there's a lot of things going on lately. Alam mo naman 'yun." I sighed and stared at the waters in front of us.

"Is this about your career? Akala ko ba ay okay na ulit?" he asked. I shrugged and leaned against his shoulder.

"You can tell me all about it. I'm all ears." aniya at inayos ang braso para maakbayan ako. Hinila niya ako palapit at pinasandal sa kanya.

I played with my lips and looked up at the pastel skies above the sea. The perfect sight. I took a clear picture of it in my head and promised myself that I'll paint it when we get home.

"Autumn," Kai called softly. Napanguso naman ako at yumuko.

If I tell him about our plans and mom finds out, I bet she'll be mad. At baka pati si Kai mismo ay hindi matuwa at layuan ako. I think it's better not to tell him. Hindi ko nga lang alam kung magagawa ko ba talaga ang gusto ni mommy... pero baka nga ay magawa ko. I did say that I'll do everything to get my life back.

"Nothing, she just found out about my broken diet." I said. I didn't lie but I didn't tell the truth either. Maybe it's better off this way.

"Oh, I'm sorry. I just thought-"

"It's okay, Kai. Choice ko naman na kumain. And it was so worth it because it was so masarap! Bukas ulit, please!" I pleaded him. Gusto kong sulitin habang pwede pa. Tsaka nalang ulit ako magdi-diet kapag nakauwi na kami.

"Are you sure? I don't want you and your mom to fight, love." he said and caressed my hair.

"It's okay. 'Wag nalang natin i-post para hindi niya malalaman." I chuckled.

"Autumn..."

"It's okay, I promise! I really want to eat a lot but mom won't let me kaya habang pwede pa, pagbigyan mo ako, please?" 

"Okay, mag buffet tayo for dinner? Eat all you can?" he asked. Masaya naman akong tumango. Mukhang mabubusog ako sa bakasyon na 'to, ah?

I stood up and extended my hands. When he held it, I pulled him up. Nagtataka niya akong tinignan pero hindi ako umimik at hinila nalang siya papunta sa dagat.

I giggled and splashed him with water. Natawa naman siya at gumanti. Para na kaming mga batang nagbabasaan dito. Buti nalang at may ilaw dito kaya kahit nagdidilim na ang kalangitan ay maliwanag pa'rin.

"Put me down!" I screamed when he carried me like a sack of rice. I heard him chuckle and he started walking away from the shore. Malapit na kami sa malalim kaya napakapit ako sa kanya.

"Kai, hindi ako marunong lumangoy! Baka malunod ako, balik na tayo doon!" pinalo ko ang likod niya. Hanggang leeg na niya ang tubig kaya siguradong hindi ko na abot dahil maliit akong tao kumpara sa kanya.

"It's okay, I got you." aniya at marahan akong ibinaba. Kaagad akong napakapit sa balikat niya bago pa ako lumubog.

"'Wag mo akong bibitawan ha!" bilin ko at mas kumapit pa sa kanya. He hugged my waist and pulled me closer to him. Napanguso naman ako at yinakap ang leeg niya para mas tumaas ako.

We swam for about an hour pero umahon na kami 'nung medyo lumalamig na ang ihip ng hangin. Binalot ako ni Kai ng twalya bago siya nagpunas ng sariling katawan.

"Lamig?" tanong niya at umakbay sa'kin. Sumiksik ako sa kanya at tumango.

Pumasok muna kami sa kanya-kanyang hotel room para mag shower at magbihis at nang matapos ay pumunta sa restaurant ng resort para kumain.

"More seafoods, yes!" masaya akong umupo habang tinitignan ang mga nakahain sa malaking lamesa.

May kinausap na staff saglit si Kai bago ako tinabihan. Nagsimula naman na akong kumain at hindi na siya pinansin na naghihimay ng lobsters.

Parang ako lang ang kumakain sa'ming dalawa dahil kapag may nahihimay siya ay kaagad niyang sinusubo sa'kin. Kaya nga minsan ay sinusubuan ko na din siya dahil parang nakakalimutan na niyang pakainin ang sarili niya.

"Nabusog ka ba?" tanong niya sa'kin habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

"Busog na busog." napahawak ako sa tiyan. Feeling ko wala na 'yung abs ko!

Mukhang napansin ni Kai ang pagkatahimik ko kaya marahan niyang hinaplos ang likod ko. "Don't worry, sasamahan naman kitang mag work out." bulong niya.

We spent the next day trying out some activities that they offer in the resort. The banana boat is my favorite so far! Sigurado akong magugustuhan din 'yun ng mga turista.

"Kai, ngiti!" tinaas ko ang camera ko para mag selfie kami. He smiled and I did a finger heart. I quickly posted it on my IG story. 

Nakangiti ako habang naglalakad kami papunta sa mga jet ski. First time kong sasakay ng ganito kaya excited na talaga ako!

Si Kai na muna ang nag drive at umangkas ako sa likod niya para maturuan niya ako. 'Nung pakiramdam kong kaya ko na ay ako naman ang nagmaneho at siya ay nakaalalay lang sa likod ko.

"I know na! Ang galing ko, omg!" I gave myself a round of applause. Pinalakpakan din ako ni Kai habang tumatawa. 

"Okay, now you ride it on your own." aniya at umangkas sa isa pang jet ski.

"What? Paano kapag natumba ako?" I asked him. Hindi pa ako gano'n kagaling 'no!

"I'll be right by your side, don't worry."

Our jet ski lesson took about an hour at nang marunong na talaga ako ay nagpapabilisan na kami sa dagat hanggang sa mapagod.

Hapon na kami natapos sa mga activities nila dito. Inisa-isa talaga naming sinubukan lahat. Ang hindi nalang namin napupuntahan ay 'yung Infinity Pool. Siguro magni-night swimming kami doon mamaya.

Nagpahinga muna kami saglit sa kanya-kanyang kwarto. Ang usapan namin ay alas sais kami lalabas para kakain.

Nakahiga lang ako sa kama ko at nage-edit ng photos na ipo-post. May nakita naman akong picture ni Kai na nakatalikod habang naglalakad sa tabing dagat.

I edited it a bit and posted it on my IG story with a tiny "thank you" at the bottom right of the photo. I didn't tag him this time.

Nag-iisip na ako ng pwedeng i-caption sa bikini photos ko nang makatanggap ako ng message mula kay Mommy.

I hope you're finding ways to make him fall in love with you, Avery. You know what will happen if you fail to do as I say. Do you want to disappoint mommy?

Love and Pretensions (Published Under PIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon