Kailan?

5 3 1
                                    


How am I suppose to know if ready nako?

sa lahat.


Nahihirapan nakong iexplain 'yung sagot kong

" 'di ko alam"

" 'di ako marunong"

" 'di ko kaya"

at marami pa.


Ang dami kong gustong iexplore.

Pero nahihirapan akong magsimula.

Lagi akong urong sulong.


Minsan naiisip ko, makakausad pa kaya ako?

May mararating pa ba ako?

Pakiramdam ko kase huli na lahat para sa'kin

tho alam ko namang hindi

pero kasi, ganun 'yung nafifeel ko.


Ang haba ng pasensya ko,

pero naiinip na'ko. 

I want to be free from this negativity.

Pero pa'no?

 kung lagi akong takot at hirap umusad sa first step.


Sabi nga nila, first step is the hardest


Siguro nga darating 'yung perfect timing para sa'kin

Pero....


Go with the flow?

eh parang wala nga akong direksyon.


Sawa na ' kong sumabay sa alon

lalo lang akong nalulunod.

gusto ko naman gumamit ng sagwan

gusto ko gumawa ng daan.


Sa ngayon, heto na lang muna siguro ako...

dito na lang muna ako.

IN MY MIND...Where stories live. Discover now