Nakakalungkot isipin na may mga taong masyadong maagang nabigyan ng mabibigat na responsibilidad to the point na 'di na nila naranasan kung ano 'yung pakiramdam na maging bata. 'Yung makikipaglaro sa labas, sapilitang matutulog sa tanghali, paglulutuan, at marami pang iba.
May mga batang namulat sa responsibilidad, kung saan pakiramdam nila na normal at tama lang 'yun. 'Yung magtatrabaho sa kapit-bahay para sa extrang barya, 'yung maglalako ng kakanin para may pambaon sa pagpasok sa eskwela, minsan pa'y papasok ng walang laman ang sikmura tapos uuwing may tambak na kalat na sa kanila iuutos ang pagligpit.
Paulit-ulit na ganun hanggang sa masasanay na lang sila. Isipin mo, ganun ang tungkulin nila sa elementarya.
Pagdating ng Highschool, parang buong pamilya na 'yung bitbit nila. 'Di pa nag-aasawa pero parang may anak na sila sa dami ng kailangan sustentuhan. Pagdating nila ng kolehiyo, trabahong kukunin 'yung hinihintay sa kanila imbis na kurso. 'Di pa gumagraduate pero mas marami pa ang papel ng bills ng tubig at kuryente kaysa papel ng exam nila.
Kaya 'di ko sila masisisi kung maaga silang napapagod.
at naiintindihan ko naman 'kung pipiliin nilang ituloy 'yun para sa pamilya nila.
pero sana mahanap rin nila 'yung pahinga nila.
'yung oras na para naman sa kanila.
Siguro sa iba, di natin maiintindihan 'yung sitwasyon lalo na kung di naman tayo 'yung nasa posisyon nila
Kaya kung ganun man, mas okay pa ring maging sensitibo sa mga sasabihin natin sa mga taong nakaranas ng ganun at sa patuloy pang nakakaranas.
Marami pang indibidwal ang nanakawan ng pagkabata sa ibang pamamaraan.
Gaya ko, sadyang hindi lang kakayanin ng isang kwento sa isang upuan.
YOU ARE READING
IN MY MIND...
CasualeThis is just all about me. Not the typical story that you are looking for. But if you are curious, this is an open diary. Feel free to read :)