8

38 2 0
                                    

THE BOOK OF ARIES

Nandito kami sa karindirya malapit sa university kung san sya nag-aaral. "Magandang umaga po, Aling Narsi." nanlaki ang mata ko ng batiin ni Aries ang ginang na nasa harapan namin. Sya si Aling Narsi! Oh my gosh! Sya yung character nabanggit sa libro! Sya ang tumulong kay Aries na makapag enroll ng elementary. Gustong gusto ni Aries mag-aral kaso wala namang guardian na mag-eenroll sa kanya. At si aling Narsi ang gumawa ng paraan para makapag enroll sya ng elementary!

"WAHH PAYAKAP ALING NARSI!!"

"O-Oh iha! Bakit?" gulat man ay natawa si Aling Narsi. Ay shet anong ginagawa mo self, napatingin ako kay Aries na nakatingin sakin at mukang gulat din sa ginawa ko.

"Ah..eh..N-Natuwa lang po ako, kamuka nyo yung tita kong maganda e! Ganda nyo po! Blooming na blooming!"

"Ay nako naman tong batang ito." tumawa si Aling Narsi.

Nakita kong iling iling ding tumawa si Aries. "Yung katulad po ng binili ko kahapon, dalawang order po." sabi ni Aries kay Aling Narsi.

NASA isang lamesa na kami ngayon at kumakain. Binitawan ko ang kutsara at tinidor ko at napatitig sa kanya. "Alam mo parang may kamuka ka." humawak ako sa baba ko at napaisip.

"Sino?" curious na tanong nya habang kumakain. Hindi ko maalala! Basta may kamuka sya! Nag-isip pa ako lalo. Lumingon ako sa kanya, nakatingin sya sakin nag-iintay sya sa sagot ko. Nye? Mukang curious talaga sya.

"Kamuka mo yung.." nag-isip ulit ako. Wala talaga, hindi ko masabi kung sino---Aha! Napangisi ako ng may bigla akong naisip! Wihihi~

"Yung?"

"..yung future husband ko." tumawa ako ng malakas. Bigla naman syang nabilaukan. Lalo akong natawa ng malakas kaya apatingin samin si Aling Narsi at nagdala ng tubig. Kami pa lang kasi ang costumer nya.

"Ano ka ba naman iho! Hindi nagdadahan dahan sa pagkain!" abot ni Aling Narsi ng tubig. Lalo akong natawa, sya pa ang napagalitan. "Sige na, madami pa akong gagawin. Dyan na kayo."

"A-Are you crazy?" pulang pula ang muka nya ng makainom ng tubig.

"Bakit?" kinikilig ko sabi.

"Anong bakit?" uminom ulit sya ng tubig.

Unti unti nawala ang ngiti ko at napalitan ng pagkasimangoy. "Akala ko magpipick up lines ka.." sya naman ang natawa ngayon. "Che! Sakit mo sa puso!" lalo syang natawa. Lalo tuloy ako napasimangot. "Tawang tawa ah, tuwa ka?" sarkastiko kong sabi.

Achievement ko ba to? Sumasaya na sya sakin. Charot.

The Book Of AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon