10

40 4 0
                                    

THE BOOK OF ARIES

Days have past. Hapon ngayon at naglalakad kami papuntang coffee shop, kakatapos lang ng klase nya. "Mukang pagod ka, smile ka naman sakin.." ngumuso ako. He chuckled.

"Yieee! Wala pa akong ginagawa pero napangiti kagad kita..ikaw ha." lalo syang natawa. "Kinikilig ka noh? Yieee~" walang tigil ang pagtukso ko sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at tiningnan ako ng seryoso.

"Bakit?" tumigil din ako at takang tumingin sa kanya.

"Give me your hand." he offer his hand, taka ko namang binigay ang kamay ko---Pinagsalikop nya ang mga kamay namin. My face heats up. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko sa kanya, unti unting sumilay ang ngiti sa labi nya ng makita ang reaksyon ko. Nagpatuloy sa sya ng paglalakad.

"Speechless? Don't tease me again like that, Sirius Meria..Lalaki ang nagpapakilig sa babae." seryoso nyang sabi. Shett kelan pa dya naging ganito huhu!

"A-Anong--H-Hindi ako kinikilig ha!" tinakpan ko ang muka ko gamit ang kabila kong kamay dahil magkahawak ang kamay namin na isa. Natawa sya. Buong paglalakad namin papuntang shop ay parang 24 hrs dahil lahat ng sabihin nya kinikilig ako!

Nang nasa harap na kami ng shop ay may nakita kaming dalawang lalaking mukang 7 years old na nakaupo sa gilid ng shop at namamalimos. Agad akong napatingin kay Aries na lumapit sa kanila at hindi man lang nagdalawang isip na bigyan sila ng pera...kahit konti lang ang pera nya. Napangiti ako at binigyan din ang dalawang bata. "Ibili nyo yan ng pagkain nyo, okay?" nginitian ni Aries ang dalawang bata at ginulo ang buhok nito. My heart soften...He's so kind that i could cry.

Palihim tuloy akong nagdasal na wag nya naman sanang maisipan na magpari.

"Sirius, anong ginagawa mo?" baling sakin ni Aries. He slightly chuckled. Nanatili akong nakapikit at nakapraying sign.

"Don't mind me. Nagdadasal lang ako na wag mo sanang maisipang magpari." bigla syang tumawa ng malakas at iling ng iling.

"I never thought of doing that." tawa sya ng tawa. "..pero dahil sa sinabi mo parang naisip ko tuloy bigla na--"

"No! Pakiusap wag! Wag kang magpapari!"

Lalo syang tumawa ng malakas halos maluha na sya.  "I'm just kidding."
Napangiwi ako. Pinagtritripan na ako nito e.

The Book Of AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon