THE BOOK OF ARIES
Sobrang lungkot ko at hindi man lang ako makangiti dahil papasok na sya sa school. "Bye, kita na lang tayo mamaya." tumango lang ako at hindi ngumiti man lang. Akmang aalis na talaga sya sa harap ko ng pinigilan ko sya. Ang ano naman neto!
"Huhu..di mo man lang ba napapandin na nagtatampo ako sayo dahil pinili mong pumasok kesa makasama ako!" acting ko. Tumawa sya. "Wag mo akong tawanan!" nagbibiro lang ako syempre, ayokong mawala ang pagiging scholar nya sa school na to noh! Pero nakakatampo talaga kasi magiging lonely ako maghapon.
"Magkikita pa tayo mamaya. Bye now." he smile and tapped my head before he left. Wala na, naglaho na kagad ang pagkabad mood ko. Naku self! Delikado ka na! Ang lakas ng epekto nya sayo! Baka mamaya hindi ka na umalis sa panahaon na to dahil sa pagkalunod sa kanya!
Nabanggit ko na bang sobrang talino nya? Well, halata naman sa paraan nya ng pagsasalita. Matalino talaga syang tao kaya lagi syang nakakakuha ng scholar sa university, hindi man lang nya naranasan magbayad ng pagkamahal mahal na tuition dahil never nyang pinabayaan ang pag-aaral nya.
At isa pa sa lalong hinangaan ko sa kanya ay never nga akong tinanong kung bakit wala akong mauwian at kung bakit hindi ako nag-aaral. He treat me better as normal.
Nakakaguilty tuloy dahil hindi ko masabi ang totoo na galing ako sa ibang panahon, pero hindi ko din naman sure kung maniniwala sya kung sasabihin ko man. Isa kasi yun sa bilin ni Mr. Siren dahil masisira daw ang future kung sasabihin ko sa isang tao na galing sa past na nagtime travel ako.
Dahil wala akong magawa, naisipan ko na magstay sa karindirya ni Aling Narsi hanggang sa matapos ang lahat ng klase ni Aries.
"Kayo ba ay magnobya ni Aries?" muntik naman ako mabilaukan habang nainom ng buko juice na tinitinda ni Aling Narsi.
"A-Aling Narsi naman!"
"Abay nagtatanong lang naman ako, iha." tumawa sya. "Ngayon ko lang nakitang may kasamang kaibigan ang ang batang yon, at babae pa. Hindi ko maiiwasang mag-isip na magnobya kayo, iha."
Natuwa naman ako sa sinabi ni Aling Narsi na ngayon lang nya nakiyang may kasamang babae si Aries.
"Magkaibigan lang po kami nun! Pero kung gusto nyo pong maging magnobya kami, hayaan nyo po, kakausapin ko po sya tungkol dyan!!" biro ko. Natawa naman si Aling Narsi.
"Sa ikinatagal tagal ng panahon, ngayon ko lang sya nakitang tumawa." biglang lumungkot ang boses ni Aling Narsi. "Sobrang bait ng batang yon...kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nya pang maranasan ang lahat ng hirap na yun." malungkot ako tumango bilang pag sang-ayon. "Tanda ko pa nung una ko syang nakita na palaboy laboy dito sa harap ng tindahan ko! J-Jusko...limang taong gulang pa lang sya non! Hindi ko inakala na palaboy laboy lang sya dahil maitsurang bata, hinayaan ko lang sya sa harap ng aking tindahan dahil baka anak lang ng kung sino pero isang gabi...nakita ko ang batang yun na nakahiga sa gilid ng tindahan ko, natutulog...lamig na lamig." naiyak si Aling Narsi. Hindi ko din napigilang maluha...he doesn't deserve all of this.
"Kung sino man ang mga magulang nya, hindi nila alam kung gaano kalaking kawalan ang iniwan nila. Napakabait na bata." Aling Narsi smiled.
"Pero tingnan mo naman sya ngayon, nag-aaral ng mabuti pagkatapos ng lahat ng hirap na pinagdadaanan nya. Hindi nya ginawang hadlang ang mga sakit na nadarama nya at nagpatuloy sa buhay."
"Tama po kayo, wala pong araw na hindi ako humanga sa kanya."
One day, i know., In the future, he will become successful and finally, will be happy.
☆
BINABASA MO ANG
The Book Of Aries
Science FictionThere's a rumor that the book entitled 'Aries' is based on real life. And if the rumor is really true, i'd like to go back in time when the book was written to meet the author and the character itself of the story. [This is a SHORT story. Please don...