THE BOOK OF ARIES
"Hello, Aries!" bungad ko kay Aries na kakalabas lang ng gate ng school. Gulat na gulat ng ng makita ulit ako.
"Sirius?"
"Yeah! It's me! The one and only Sirius the star!"
"B-Bakit ka nandito?"
"Iniintay ka!" ngumiti ako. "Friends na tayo, di ba?"
"Ha? Ahh oo."
Napasimangot ako. "Ayaw mo ba?"
"H-Hindi! I mean, it's alright for me." bigla nyang sabi. Pinilit kong wag ngumiti ng malawak. It said in the book that he don't have friends when he was a kid cause he don't don't know how to make one. Pero ngayong college na sya, mukang wala pa din syang nagiging kaibigan.
"Hihi! Good good! Friends na tayo! San ka punta? Uwi ka na?"
"A-Ahh hindi, may trabaho ako." natuwa ako ng sumagot sya. Yiee! Friends na talaga kami!
"May trabaho ka? Saan?" malawak ang ngiti ko habang nakikipag usap sa kanya. Ang cute nya!
"Yeah. Coffee shop." nginitian nya ako.
"Sama ako!" mabilis kong sabi.
"E-Eh? Bakit? Hindi mo naman ako makakausap dun dahil magtratrabaho ako.." umiwas sya ng tingin.
"Sige na! Pleaseee! Sama na ako!" napabuntong hininga sya ay tumango na. "Yes! Thank you! Hindi ka magsisi! Behave lang ako!"
"Promise?" he ask. Ay wala ba syang tiwala sakin? Ako pa! Kaya kong magbehave!
"Yeah! Promise!" tinaas ko pa ang kanang kamay ko.
He smile and suddenly mess my hair. I can see in his eyes that his amused. My heart...
"OH nandito na ang malas!" pagkapasok at pagkasok namin, boses ng dalawang lalaki na nagtratrabaho din dito ang bumungad samin. Nagtawanan sila. Napalingon ako kay Aries na walang emosyon ang muka at diretso diretso lang sa staff area.
"Magbibihis lang ako." tipid nya akong nginitian. Nagsign ako ng okay at ngumiti ng malawak sa kanya at umupo sa isang table. Napatingin naman ako sa dalawang stuff na nagtatawanan sa may counter. What's with the two guys? Sinong tinutukoy nun?
"Pinakamalas kamo! Naghiwalay na nga ang magulang, iniwan pa ng nanay!" nagtawanan sila. Natigilan ako sa narinig. Si Aries ang tinutukoy nila. Alam kong si Aries ang tinutukoy nila dahil nabasa ko sa libro na naghiwalay ang magulang ni Aries nung 5 pa lang sya, at iniwan sya ng nanay nua sa kalsada at naging palaboy laboy. Nag-init ang ulo. "Wala ding tirahan! Dito pa sa shop natutulog? Baka mahawaan tayo ng kamalasan pare!" pakinig nila kay Aries. Nagtawanan ang dalawang lalaki. "Pulubi!" Nakagat ko ang ibabang labi ko at galit na humarap sa kanila.
"What did you just say?" sobrang sama ng tingin ko sa kanila. Bahagya pa silang nagulat, hindi siguro nila naisip na kasama ako ni Aries. "Si Aries? Pulubi? Tingnan nyo nga ang mga muka nyo!"
"Ano? Muka kaming pulubi?" ngumisi sila.
"Hindi! Muka kayong taong grasa! Mas malala pa sa taong grasa! Mga pangit!" galit na galit na sigaw ko.
"A-Abat!" akmang lalapitan nila ako ng dumating si Aries.
"Sirius." tawag nya sakin. Seryoso ang muka nya ng lumapit sya samin.
"Kilala mo yan?! Kala mo kung sino!" sigaw nung isa sa lalaki.
"Pasensya na." walang emosyong sabi ni Aries sa kanila. Napatingin naman ako kay Aries. Napaka santo talaga nito! Sya na nga ang sinabihan ng kung ano ano! Sya pa nagsorry! Akmang sisigawan ko ulit ang dalawang lalaki ng tinakpan ni Aries anh bibig ko. "Mhmm!!" sinamaan ko sya ng tingin at pilit tinatanggal ang kamay nya. Hindi pedeng hayaan nya lang ang mga to!
"May tumawag na oorder ng coffee, nasa kusina ang gagawin nyo. Pasensya na ulit. " tipid na nginitian ni Aries ang dalawa. Umismid lang yung dalawa samin ay umalis na. Abno yun ah! Ang bait bait nito tapos ganon sila! "Mhmm!!!" Hindi ako makasalita dahil hawak pa din ako ni Aries sa bibig. Agad nya naman akong binitawan ng makaalis na ang dalawa at pumasok na sa kusina.
"Sira ulo yun ah! Kung makasabi ng ganon! Nagtratrabaho lang din naman sya dito! Naku! Pigilan mo ako Aries! Dali! Masasapak ko sila!"
"Hindi mo na dapat pinatulan." bumuntong hininga sya. "Just them be, all they said was nothing to me." he looked at me and smile. "The less you respond to rude, critical, argumentative people...the more peaceful your life becomes." my breathing stop to what he said. "Wag mo na ulit gagawin yun." once again, he smiled at me.
"B-But..what he said crossed the line already." pahina ng pahina kong sabi.
"Then be mad, but stay quiet." he lean to me and mess my hair. Our eyes met...he smile. Nanlambot na naman ang puso ko. He impressed me again.
"You promise you'll behave, right?" wala sa sariling napangiti ako at nagzipper ng bibig. Bahagya syang natawa. "Kung gusto mo pang magstay dito, just sit there. Ingat ka sa pag-uwi mamaya. Magtratrabaho na ako." ngumiti sya sakin at pumunta na sa kusina.
Anong uuwi? Hindi ako uuwi! Mag iistay ako dito hanggat gusto ko! Hehe! Buti na lang binilinan ako ni Mr. Siren na maglagay ng pera sa bulsa. Grabe si Mr. Siren, parang alam nya na magtatagal ako dito. Pinanood ko syang magserve sa mga studyante na pumapasom sa shop, padami ng padami ang napasok sa shop dahil labasan na ng mga studyante. Napasimangot na lang ako dahil puro babae, at halatang si Aries ang ipinunta.
At mas lalong nakakainis dahil sobrang bait ni Aries sa kanila, lahat nginingitian nya.
After 10 minutes na pinapanood at tinititigan sya, lumabas na ako ng coffee shop. Grabe talaga ang lalaking yun, i can't stand his kindness!
Sumimangot ako at naupo sa table sa labas ng shop. Nang mapatingin ako sa glass wall ng shop ay nakita kong natingin sakin si Aries. Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Nginitian nya lang ako kinawayan. Hmp, bakit kasi muka syang anghel. Tumayo ako at pumunta kung saan. Naisip kong bumili ng damit, siguradong magtatagal talaga ako dito. Si Aries kasi ih huhu, yung mga tingin nya hinihila ako pabalik.
☆
BINABASA MO ANG
The Book Of Aries
Fiksi IlmiahThere's a rumor that the book entitled 'Aries' is based on real life. And if the rumor is really true, i'd like to go back in time when the book was written to meet the author and the character itself of the story. [This is a SHORT story. Please don...