What are we?

137 6 1
                                    

Calli's POV

Nagka tamaran kami magluto kaya nag hahanap nalang sya ng food online.

"Sands?"

"Uhm? Why?"

"What are we?" I saw him stopped using his phone.

"I mean. After all this happened i just wanna know sands."

"You're the most important person to me calli and i don't wanna loose you"

"Same as to me sands"

"All i know is i don't want to lose you." Sagot nya without looking at me

"Then what are we?" Nai'iyak ko na tanong

"I i don't know calli. maybe we can be like this? So we don't lose each other?" And when i heard that it broke me to thousand pieces

"Ok. Let's just forget everything that happened last night and earlier. Maybe this is for the best sands."

"I just can't loose you calli"

"Yeah. what time na din maybe you just go home muna. Magpapahinga na din muna ko sands" at umakyat lang ako ng kwarto iniwan sya sa baba.

It breaks me so much. Ano yun we just stay like this? Para hindi mawala? I don't know anymore. I have no right to demand anything.

When i heard the door closed i just packed some of my stuffs and booked. I don't know anymore ano dapat ko na gawin.

I went in the airport and fly back to manila. Kung ano ano nasa isip ko the whole flight. Puro iyak nalang ako.

I arrived in manila nag taxi lang ako pauwi ng bahay. Kumuha lang ako ng mga gamit at passport and i asked mang jun to drop me back to airport.

I bought the earliest flight na meron sila ngayon. Muntik na ko hindi maka kuha ng flight. Bahala na san mapunta all i know is i need to do this.

Hindi ko alam anong muka ihaharap ko sa lahat. Anong pakiramdam dapat ko maramdaman. Anong dapat kong sabihin at gawin.

Im here in the lounge in 15 Mins boarding na din naman.
Remembering what happened. How we met, pano sya naging part ng buhay ko, our usuals, the way he treats me and made me feel. All the efforts and care na binibigay nya.

I know i keep saying na maybe friends lang talaga kami but after that night after i gave everything to him naulit pa ng morning i expect too much. Akala ko there's something more akala ko may chance

Hindi ko mapigil na tumulo yung mga luha ko. Ang sakit kasi. I expect too much. Masyado ko din binigay lahat. Maybe im not that worthy para hindi ako i risk. Maybe i don't deserve na ilaban.

Nagulat nalang ako ng may lumapit sakin na matanda inabot yung tissues.

"Hija pasensya ka na ha. Kanina pa kasi kita nakikita na umiiyak. Ano man yang pinag dadaanan mo malalampasan mo rin lahat yan. Alisin mo yung takot sa puso mo. May darating na magandang balita sayo mag tiwala ka lang"

"Thank you po" yan lang nasabi ko.

Tinawag na din kami para sumakay ng eroplano.

Pag pasok ko naman may nakaupo na din sa tabi ko she's pretty young. Umiiyak din sya.

"Sorry po" she said while crying

"No worries. Are you ok? Here" tanong ko at offer ng tissue

"Thank you po" kinuha naman nya yung tissue

Isip isip ko nalang. Pano na to umiiyak din katabi ko baka pareho lang kami mag iyakan nito eh.

naupo na din ako flight went on pareho lang kaming tahimik hanggang makatulog. The time na nagising kami dumating na din kami sa destinantion.

Pag labas ko ng airport wala akong magawa.
I don't even know where to go. I don't even know where i am exactly.

I just stayed there for a bit.
Nakita ko naman yung katabi ko kanina sa eroplano nandun lang din sya umiiyak padin.

We're both lost i believe. Nilapitan ko na din sya

"Hi are you ok?"

"Ugh yes po."

"Are you waiting sa sundo mo?"

"No po. Actually i don't know where to stay first time ko po dito"

"Really? Same as me."

We just stayed there quietly. Parehong nakatulala at tahimik.

My Phone rings. It's sandro.
Hinayaan ko lang to mag ring and after the call i just messaged Mik to tell her na sya muna bahala sa company at other businesses, i also told her na im in somewhere safe and wag na sya mag alala.

After i send that messaged nag deactivate lang ako ng lahat ng accounts ko then tinanggal ko na din yung sim ko.

Until I Found You (FAAM)Where stories live. Discover now