Malamya kong nilapag sa table ang phone ko at bumuntong hininga. Katatapos ko lang manood sa Tiktok at wala pang sampung minuto ay tinigil ko na ito. Puro magaganda at sexy-ng babae kasi ang mga lumalabas sa for you page ko. At hindi ko maiwasang hindi mainggit, i-compare ang sarili ko. Hindi ako maputi, maganda, matangkad, at sexy.
"Love ito na 'yung mga pinabili mo oh. Grabe, ang init!" Inilapag lahat ni Caleb ang pinamili niya sa lamesa at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa para punasan ang pawis niya.
Buti na lang may boyfriend ako.
Tinignan ko isa-isa ang mga pagkain. Paano kaya kung hindi muna ako kumain ng junk foods and sweets or mag-diet din ako at saka exercise. Hindi na rin muna ako lalabas para hindi ako lalong mangitim. Tama! Tumango-tango ako.
"Love, anong nagyayari sa 'yo?"
Napaayos ako ng upo at saka ngumiti.
"Wala love, may naalala lang."
"Nandito na 'yung mga pagkain mo oh, kumain ka na." Nilagay niya sa harap ko ang mga 'yon.
Pilit akong ngumiti, "Ah love, hindi muna ako kakain ngayon naalala ko busog pa pala ako hehe," ani ko at saka napahawak sa tiyan ko nang bigla itong tumunog. Buti na lang 'di niya rinig.
Kunot ang noo niyang tinignan ako.
"Oo nga, promise."
Hindi siya sumagot sa halip ay kinuha niya ang ensaymada at binuksan ito. "Oh,"
Umiiling na tinulak ko pabalik sa kaniya ang ensaymada nang ilapit niya ito sa bibig ko, "Ayaw ko nga."
Pabagsak niyang nilapag ang tinapay at kunot ang noo't matalim na tumingin sa 'kin. Agad nawala ang mga iyon nang makitang nabigla ako, pero halata pa rin sa kaniya ang pagkainis.
"Anong problema?" Mas idinikit niya ang upuan sa 'kin.
Umiling ako. Alam kong pipilitin niya 'kong 'wag gawin ang mga balak ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko at pinaharap sa kaniya, "Ano nga, hmm?"
Hindi na maiwasang mag-init ang sulok ng mata ko sa tanong niya. Puno ng lambing iyon at parang sinasabing maiintindihan niya anuman ang sabihin ko.
"Kasi magdi-diet na 'ko,"
"Bakit ka magdi-diet?"
"Kasi mataba ako,"
"Bakit ka mataba?" Sinundan niya iyon ng tawa.
Tinanggal ko ang kamay niya sa pisngi ko at pinadyak ang paa ko sa inis. "Love naman, e, seryoso ako!"
"'Di ka naman mataba ah, sexy-sexy mo nga. Pa-kiss nga ako," malambing na aniya at hinalikan ako nang matunog sa pisngi.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapangiti. Ang sweet-sweet niya talaga! Kilig hanggang bone marrow.
Agad kong binawi ang ngiti ko at pilit na sumimangot, "Ah basta, 'wag mo 'kong bolahin! Nakita ko kasi sa tiktok na ano . . ." Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Hindi ko man siya nakikita pero nararamdaman ko ang titig niya sa 'kin. Inaabangan ang sasabihin ko.
"Ang gaganda nila tapos ang se-sexy, samantalang ako mataba tapos pangit,"
"Kaya ba gusto mong mag-diet?"
Tumango ako, "Baka kasi gusto mo rin ng gano'n at baka magustuhan mo sila,"
"Look." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Hindi ako gano'n kababaw, okay? Pisikal na anyo lang ang maganda sa kanila, 'yung ugali? Hindi ko alam. Kaya mas pipiliin kita, lagi, kasi kilala na kita. Alam ko na 'yung imperfections mo at tanggap ko lahat 'yon. Hindi ka nila mapapalitan dahil lang sa panlabas na anyo, hmm?"
Tumango ako nang hindi nag-aangat ng tingin sa kaniya. Nahihiya ako, para ko na rin sinabing mababaw 'yung pagmamahal niya sa 'kin.
"Mataba? No, you're chubby and I love hugging you. Pangit? Wala akong pakialam sa tingin ng iba sa 'yo basta ikaw ang pinakamagandang babaeng nakilala ko maliban sa nanay ko."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't agad ko siyang niyakap at sumubsob sa dibdib niya habang unti-unting nahuhulog ang aking mga luha. He's the best!
He chuckled and caressed my hair as I felt his arms around my waist.
"Sorry, hindi ko na uulitin," I sobbed.
"That's alright, stop crying na."
Sunod-sunod akong tumango at tinuyo ang pisngi ko gamit ang aking kamay. Pagkatapos ay kumalas ako sa yakap at nginitian siya. I don't know how to deal with my insecurities without him.
"Kain na tayo?" Alok ko.
"My baby is back!" Nagtawanan kami. Hinalikan niya muna ako sa noo at saka namin binuksan isa-isa ang mga pagkain.
Sabi nila, bawat babae may insecurities, imperfections. That's true. Ang I'm glad na may boyfriend akong tatanggapin at iintindihin ang mga iyon at ipapamukhang sobra pa 'ko sa sobra.
YOU ARE READING
The Wanderer's Anthology
RandomA compilation of the wanderer's imagination and feelings.