"I can't wait to be your husband, love," malambing na ani ng fiance ko.
We're getting married 20 minutes from now. Hindi ko alam kung paano niya ako natawagan dahil bawal ang phone sa simbahan lalo na siya 'yong gagamit pero hindi niya talaga matiis na hindi ako makausap.
"Me too, Love."
"I'll hang up now, tinatawag na ako ng organizer. Say I do later huh?" He chuckled.
Tumango ako kahit hindi niya nakikita, "of course, I love you,"
"I love you too."
**
Habang papunta sa simbahan ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Pakiramdam ko ang tagal ng oras kahit na limang minuto pa lang matapos ibaba ni Josh ang phone.
Sa hindi malamang dahilan ay biglang tumibok nang mabilis ang puso ko, medyo sumakit na rin ang tiyan ko.
Ganito 'yong naramdaman ko before mamatay si daddy
Agad akong umiling-iling para winaksi sa isipan ang naisip. Hindi naman siguro.
Habang nasa daan ay may nakita akong pamilyar na bulto ng tao, nakatalikod siya pero sigurado akong siya 'yon.
Anong ginagawa niya rito? Medyo malayo pa ang simbahan ah.
Sa sobrang kuryosidad ay pinahinto ko ang driver at pumunta sa direksyon niya. Nang malapit na ako sa kanya ay bigla siyang tumakbo palayo, may nakahawak sa kamay niya pero hindi ko makita dahil natatakpan siya ng pader.
Ngumiti siya at tumango sa humawak sa kanya at tuluyan nang tumakbo.
Saan siya pupunta? Hindi siya pwedeng mawala sa kasal ko.
Kahit na limang minuto na lang at magsisimula na ang kasal ay mas pinili kong habulin siya at makilala ang kasama niya.
Sinundan ko ang direksyon na dinaan nila hanggang sa dead end na at isa na lang ang pwedeng puntahan. Dahan-dahan akong lumakad.
"Let's run away together, I love you,"
"I love you too."
Para akong tinakasan ng lakas no'ng marinig ko ang boses nila. Pamilyar na pamilyar. How could they—
Kahit nanghihina at nanlalabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo ay tumuloy pa rin ako sa paglalakad at dahan-dahang sumilip.
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at unti-unting napaupo. Tinakpan ko na rin ang bibig ko upang hindi marinig ang mga hikbi ko.
This is my worst nightmare.
Seeing my mother and fiance kissing each other.
YOU ARE READING
The Wanderer's Anthology
De TodoA compilation of the wanderer's imagination and feelings.