"Zel, samahan mo 'ko kay Russell mamaya nag-bake ako ng cake para sa kanya." Pinagsiklop ko ang aking mga daliri at nagpapa-cute na tumitig sa kanya.
Imbis na sumagot ay inirapan lang ako nito, "Alam mo, ako 'yong nahihiya at nasasaktan para sa 'yo. Hindi ka ba nagsasawa? Ilang beses ka na niyang ni-reject diba?"
Napayuko ako sa sinabi niya. Simula elementary ay crush ko na si Russell highschool kami noong simulan kong kulitin siya, bigyan ng kung ano-ano pero hanggang ngayong college na kami ay malamig pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin. Wala naman siyang girlfriend.
"Aish! oo na sasamahan na kita,"
Napangiti ako, sabi na hindi niya matitiis ang ka-cute-an ko.
Pagkarating namin sa room nila ay lalong lumaki ang ngiti ko nang makita ko siyang nakangiti habang kausap ang mga kaibigan niya. Ngiti pa lang 'yan pero grabe na ako kung kiligin.
Wala pa naman silang teacher kaya dire-diretso kaming pumasok ni Zel.
Nakita ko pa kung paano nawala ang ngiti niya nang makita kami but I still managed to smile. Sanay na 'ko.
"For you, Russell. Ako nag-bake niyan," ngiti ko at iniabot sa kanya ang box.
"Lapag mo lang diyan." Walang reaksyon at malamig na sabi niya ngunit imbis na malungkot ako ay mas lalo pang lumaki ang ngiti ko.
Sumagot siya!
**
Malaki ang ngiti kong naglalakad papunta sa cafeteria for the first time ay hindi niya tinapon ang binigay ko siguro nagugustuhan na niya ako hihi. Nangangamoy crushback ah.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko ang pamilyar na box. Could it be? pero tinanggap naman niya ah.
Dahil sa curiosity ay pinuntahan ko ito. My smile faded away, akala ko hindi niya tinapon. Akala ko lang pala.
Tss, ba't pa kasi ako umasa.
Simula no'n lahat ng binibigay ko sa kanya ay tinatapon o binibigay na niya sa iba nang harapan. Tinitiis ko because this is the only way I can show my feelings for him. I don't know why he's acting like that wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kaya gabi-gabi akong nagdadasal at humihingi ng sign kung dapat na ba akong tumigil pero hanggang ngayon ay wala pa, so tuloy pa rin.
"Bes!" Napatigil ako sa pag-e-emote nang marinig ko ang boses ni Zel.
Walang reaction ang mukha nitong naglakad papalapit sa 'kin. Napababa ang tingin ko sa hawak niyang tupperware na pinabibigay ko kay Russell. This is the first time na hindi niya ito tinapon o pinamigay.
She sighed, "Hindi niya tinanggap," aniya at malungkot na nakatingin sa akin.
Nakangiti ko itong tinanggap, "Okay lang,"
"Bakit kasi hindi ka pa tumigil?" She asked.
"Dahil wala namang dahilan para tumigil ako. Hangga't kaya kong magtiis, magtitiis ako, but sign na ata 'to na tumigil na 'ko. 'Yong hindi niya pagtanggap sa bigay ko is enough reason to stop." Bumaling ako sa kanya at pilit na ngumiti.
Bakas man ang kalungkutan at pag-aalinlangan sa kanya pero sa huli ay nginitian niya na lang ako, " So, what's your plan?" she asked.
"Wala, act like nothing happened. Last na 'to," I said and turned my gaze on her— giving her an assurance smile.
Napaamang ako nang biglang siyang humagulgol. Nahihiyang tinignan ko ang nga estudyanteng nakapaligid sa amin. Nakakahiya.
"I'm so proud of you, Kee. Finally, natauhan ka rin," aniya habang pinupunasan ang mukha.
YOU ARE READING
The Wanderer's Anthology
RandomA compilation of the wanderer's imagination and feelings.