THE DAY HE SAID GOODNIGHT

0 0 0
                                    

4 YEARS OLD

Taimtim na nagsusulat sa dingding ang apat na taong gulang na si Karissa sa labas ng kanilang bahay hawak ang isang pudpod na lapis. Pumalahaw siya nang iyak nang makita niya ang isang batang napadaan sa tapat niya na may dalang candy.

Dahil sa lakas ng kanyang iyak ay narinig ito ng kuya niyang mas matanda sa kanya ng pitong taon. Humahangos itong lumapit sa kanya.

"What happened, Princess? Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Azure habang hawak ang magkabilang pisngi ng kapatid.

Agad na tinuro ni Karissa ang dahilan ng pag-iyak niya. Isang batang may hawak na candy. Marahil ay gusto rin nito.

Pagkakita ni Azure dito ay natatawang napahawak na lamang siya sa kanyang noo, "'Yon lang pala, don't worry ibibili ka ni kuya ng marami niyan. 'Wag na iyak ha,"

Imbis na tumahan ay lalo pang pumalahaw ng iyak si Karissa.

"Ano na naman?" Napahawak siya sa kanyang batok. Animo'y nawawalan ng pasensyang aniya.

Kung kaya lang niyang ihagis ang kapatid ay matagal na niyang nagawa pero kahit hawakan ito nang mahigpit ay hindi niya kayang gawin. Ganoon niya kamahal ang kanyang kapatid.

"Wara na atho rapish," bulol na iyak ni Karissa at pinakita ang pudpod na lapis.

'My little sister is so cute'

"Okay-okay ibibili ka rin ni kuya ng marami niyan. So, stop crying na ha? You want me to cry too?" Pinalukot niya ang mukha at nag-iyak-iyakan.

"No, no, Isa lab lab Zur."

Parang hinaplos ang puso niya sa narinig.

"Lab lab ka rin ni Zur." Aniya at hinalikan ang kapatid sa noo.

**

9 YEARS OLD

"Mwah!" Nanlalaki ang mga matang napahawak si Karissa sa kanyang pisngi matapos idikit ang labi ng kanyang kaklase sa pisngi niya.

"Crush kita, Talisa," abot-tengang amin nito.

Hindi naman ito masagot ni Karissa dahil hindi pa siya nakakabawi sa gulat. 'Ano iyon? bakit malambot at basa?' Tanong niya sa isipan. Saka lang siya nagbalik sa katinuan nang marinig ang boses ng kuya niya.

"Hoy! Sino nagsabi sa 'yong pwede mong halikan ang kapatid ko?!" Hinawakan ni Azure ang mukha no'ng bata at hinuhuli ang tingin nito.

"At anong crush-crush? Hindi mo nga mabanggit nang maayos name ng kapatid ko. Sinong Talisa? Baka Karissa. Bulol!" Asar niya.

Sa sobrang pagkakapahiya ng bata ay umiiyak itong tumakbo papunta sa kanyang nanay at tinuro siya, animo'y nagsusumbong.

Imbis na matakot ay tumawa ito at binelatan ang bata kahit nakatingin ang nanay nito.

"Azure lang malakas!" Masayang bulong niya.

Inalis niya ang ngiti sa mukha nang harapin niya ang kanyang kapatid na namumula.

"'Wag mo sabihing crush mo rin 'yung bulol na 'yon, nako sinasabi ko sa 'yo Karissa, hindi ka pa pwedeng mag-asawa,"

Napakamot na lang ng noo si Karissa sa ka-oa-an ng kuya niya, 'Anong asawa?'

"Crush lang naman, kuya," she pouted.

"Kahit na crush pa 'yan sa pag-aasawa pa rin ang tuloy,"

"Saka na ako mag-aasawa kapag alam ko na kung ano 'yon, kuya," Nakatingala at inosenteng tingin niya kay Azure.

"Ang mag-asawa ay 'yung kagaya nila mama at papa. 'Yung mahal ang isa't isa, magkasama sa hirap at ginhawa, at magkasamang bubuo ng masayang pamilya. Kaya hindi ka pa pwedeng mag-asawa, kailan ko munang makilala. Maliwanag ba?" Azure tapped her sister's head.

The Wanderer's AnthologyWhere stories live. Discover now