STRANGER

0 0 0
                                    

Nanlulumong naibaba ni Claris ang kanyang wallet nang makitang limang piso na lamang ang laman n'on.

"Hanggang saan aabot ang limang piso ko, e kulang pa 'to pamasahe,"

Nakabusangot man ang mukha at gustong magreklamo ngunit mas pinili niyang magpasalamat dahil may pera pa siya kahit papa'no.

'Maglalakad na lang ako, 30 minutes lang naman' bulong niya sa kanyang sarili.

Habang naglalakad nakakakita siya ng mga batang masayang naglalaro sa kalsada. Marumi man at puno ng pawis ngunit makikita pa rin sa kanilang mukha ang saya. Kumikinang ang mga mata at ang lalaki ng ngiti, mga tawang kay sarap sa pandinig.

Akala niya noon masarap tumanda dahil marami kang kayang gawin, pero ngayong matanda na siya gusto na lang niyang bumalik sa pagkabata. At least doon ay magagawa niya ang gusto niya, hindi gaya ngayon na kailangang maging praktikal at gawin ang mga bagay na hindi niya gusto para lang mabuhay.

"Ang sarap maging bata, 'no?"

Napapitlag sa gulat si Claris nang biglang sumulpot ang isang hindi kilalang lalaki.

'Sino ba 'to? Feeling close si kuya'

Nagulat man at medyo hindi komportable ay tumango na lang si Claris bilang sagot.

"They can laugh all day, walang iintindihan at poproblemahin maliban sa pagtulog tuwing hapon," he chuckled.

Sa pagtawa niyang iyon ay hindi napigilan ni Claris na mapatawa rin. Tama siya, isa sa problema ng mga bata ang matulog sa hapon dahil kung hindi ay wala kang meryenda.

'If I can only turn back the time' Isip niya.

"Habang tayong hindi na mga bata ay bibihira na lang sumaya at mas gustong bumalik sa pagkabata, kasi nga walang problema, pero kung iisipin mo sa bawat problema na pagdadaanan mo, there's a lesson. Lesson that might change your life." The man looked at Claris.

Dahil sa sinabi ng lalaki, lahat ng pinagdaanan ni Claris sa buhay ay isa-isa niyang naalala. At sa lahat ng iyon hindi niya alam kung may natutunan ba siya o paano niya iyon nalampasan.

"It's painful, but worth it, right? Especially when you remember those. The lesson can prevent those mistakes or problems to repeat. It is also easy for you to solve the problem if it happens again. Edi hindi ka na madyado malulungkot at magiging masaya ka ulit agad."

Claris nodded.

"Instead of wishing to go back to your childhood to be happy, why won't you do something that can make you happy?" The man asked.

"Hindi lang ang mga bata ang pwedeng maging masaya, ikaw rin."

The man words made her stilled and think.

Napangiti naman ang lalaki habang nakatingin sa babaeng malalim ang iniisip. Naglakad siya papalayo kay Claris nang hindi nito namamalayan.

'Finally, she realized it' He whispered.

The Wanderer's AnthologyWhere stories live. Discover now