"Paano ba kasi 'to?!" Kamot-ulo kong nakatingin sa activity na pinapagawa ng teacher namin sa Philosophy.
Wala naman akong naaalala na tinuro sa 'min ito ah.
"Iyan kasi kdrama pa more,"
Inis akong tumingin sa unggoy na nagsalita na dapat hindi ko na ginawa dahil mas lalo lang akong nainis no'ng nakita ko ang mukha niyang panget.
Laki-laki pa ng ngiti ang dilaw naman ng ngipin.
"So what?" Tinaasan ko siya ng kilay saka inirapan.
Sa halip na sagutin ay ininguso niya ang nguso niya sa direksyon ko. Ano raw?
Ang mataray na mukha ko ay napalitan ng pagtataka, ano bang ginagawa niya? May bibig naman siya bakit hindi siya magsalita.
"Ano? Hindi kita maintindihan,"
Ngumuso siya ulit hindi lang isang beses kundi marami. Pilit kong iniintindi ang gusto niyang sabihin pero wala pa rin akong maintindihan.
Agad na nanlaki ang mata ko nang ma-realize kung ano ang ibig sabihin n'on.
"Bastos!" Sinampal ko siya.
Napatigil siya at hinawakan ang pisngi na sinampal ko.
"A-anong ginawa 'ko?" tanong niya.
"G-Gusto mo 'kong halikan!" Lumapit ako sa kanya at sinabunutan siya.
Imbis na masaktan ay tumawa siya nang tumawa dahilan para mainis ako lalo. Sinamahan ko ng kurot ang sabunot.
"W-Wait, A-Aray!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pilit na inaalis sa buhok niya.
Nang maalis ay agad niyang inayos ang gulo-gulo niyang buhok. Hindi pa rin nawawala ang saya sa mukha niya. Parang pinipigil ang sarili niyang tumawa.
Nanatiling nakakunot ang aking noo, nasa bewang ang magkabilang kamay, at nakamamatay na nakatingin sa kaniya. Dapat sa kaniya pinuputulan ng ano. Bastos!
"Look, unang-una, hindi ko gustong halikan ka. Ang assuming mo naman. Pangalawa, tinuturo ko 'yung pisngi mo kasi may dumi . . ."
Agad kong kinapa ang pisngi ko para makita ang sinasabi niyang dumi. Tiningtan ko ito at nakita ko ang chocolate ng kinain kong donut kanina. Pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko ngayon sa hiya at parang gusto kong tumakbo palayo sa kaniya. Ano ba 'tong ginawa ko?
Binalik ko ang tingin sa kaniya at nakita ko siyang nakatitig sa akin habang nagpipigil ng ngiti kaya simaan ko siya ng tingin. Kasalanan niya 'to! Kung sinabi niyang may dumi hindi sana ako magko-conclude!
"Pangatlo, mas gugustuhin ko pang halikan 'yung tambay sa kanto kaysa sa uhugin gaya mo!" aniya at saka tumawa nang malakas. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan at kulang na lang ay magpagulong-gulong sa sahig sa sobrang pagkatuwa.
Nawala lahat ng hiya sa katawan ko at napalitan ng inis. Seeing his face makes my blood boil. Tinaas ko ang magkabilang manggas ko at isa-isang pinatunog ang daliri ko.
"Hindi ka makakaalis dito ng walang bangas," bulong ko.
Tumakbo ako sa kanya at inipit ang leeg niya sa braso ko habang ang isang kamay ko ay kinukutusan siya.
"Uhugin ah, sino sa 'tin ang uhugin ngayon pagkatapos kong gawin 'to," bulong ko at mas hinigpitan ang pagkakaipit sa leeg niya.
Napasigaw ako nang kilitiin niya ako sa bewang. Potek! Bakit kiliti?! Dahil doon ay lumuwang ang pagkaka-ipit ko sa leeg niya at nahinto na rin ang pagkutos ko.
"HAHAHAHA stop!" Hinampas-hampas ko siya habang tumatawa.
"Ano ka ngayon? Ito lang pala katapat mo ah," aniya.
YOU ARE READING
The Wanderer's Anthology
RandomA compilation of the wanderer's imagination and feelings.