WHO IS SHE?

1 1 0
                                    

"Tao po! May tao ba diyan?!"

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil baka may kasama ako rito, ang weird naman siguro kung ako lang mag-isa. Pagkagising ko ay ito na ang sumalubong sa akin, isang gubat. Sa pagkakatanda ko ay sa kwarto ako natulog, paanong nakarating ako rito?

Hindi naman siya nakakatakot, but the thought that I'm the only one who's here makes me shiver.

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang may makita akong malaking bahay. A mansion in the middle of the forest? not bad.

The mansion looked lifeless and abandoned for a decade, pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang mga sira-sirang gamit at mga alikabok sa paligid buti na lang ay wala akong hika dahil pumapasok talaga sa ilong ko ang alikabok.

Maganda ang bahay na 'to mukang mayaman ang nakatira, but where are they?

My heart pounded when I heard a loud and scary voice. Kahit natatakot ay dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko at hindi ko namalayang nakatayo ako 'di kalayuan sa isang lalaki na sa tingin ko ay nasa 40s, isang batang babae at lalaki na sa tingin ko ay magkapatid.

"Ano? Tatayo lang kayo diyan? Look at me!" Dumagundong ang boses niya sa buong mansion dahilan para mapapitlag ang magkapatid.

Kahit ako na 18 years old ay natatakot rin sa kanya. Unang nag-angat ng tingin ang batang babae. Nang makita ko ang mukha niya, I felt something inside me hindi ko matukoy kung ano. It's my first time seeing her kaya alam kong hindi ko siya kilala. She has a long brown hair, pointed nose, reddish lips pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang kanyang mga mata, hindi ito malaki at hindi rin singkit wala siyang sinasabi ngunit ang mga mata niya ay napakarami, full of emotions.

Who are you? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sa'yo?

"We just want to go out,"

"Didn't I told you to not talk back to me?"

"Yes, but I'm just explaining my side–" hindi pa natatapos ang sinasabi niya nang putulin ito nung lalaki.

"I told you to look at me hindi sumagot! Who are you again? At 'wag na 'wag mo akong titigan ng ganyan you're just nothing here." 

Muling napayuko ang babae ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.

Lalapitan ko sana ito upang aluhin at nang unti-unti silang nawawala pati na rin ang lugar kung nasaan ako ngayon.

Wait- what? Anong nangyayari?

Ang kaninang mansion ay napalitan ng isang ilog, maraming puno at mga ibon.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang isang batang babaeng sumasayaw, nakaharap ito sa ilog kaya likod lang niya ang nakikita ko. Who is she? She's familiar.

"Arggh! Bakit ganito? I can dance, nakakasabay ako sa beat, but bakit ang tigas pa rin ng katawan ko?!" Tumigil siya sa pagsayaw at bahagyang tumagilid kaya nakita ko ang kalahati ng mukha niya.

Gano'n na lang ang pagkagulat ko nang makilala iyon. Siya yung babae kanina!

She stomped her feet sumama ang mukha lumaki tuloy ang pisngi niya. I can't help but to smile with that simple gesture.

Damn, she's so cute.

Tatawagin ko na siya pero kagaya no'ng una ay unti-unti na naman itong nawala.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Kung kanina ay kalahati lang niya ang kita ko ngayon ay ang buong mukha na niya, nasa harapan niya ang isang babae habang siya ay nakatingin lang dito.

"You can sing, nakakasabay ka sa tono but hindi 'yan sapat na rason para makasali ka sa competition na 'to. I'm sorry, but you're not qualified."

Ang paglipat-lipat ng lugar, panahon, at mga tao ay nagtuloy-tuloy pa. Mas lalo ko ring nakilala ang batang babae dahil hindi siya nawawala.

She may have a sharp eyes when she's serious pero kapag ngumiti siya ay nawawala ang mga ito. She's also competitive, hindi matter sa kanya ang rank as long as she learned something new. Mahilig siya sa matatamis. She's strong, she's loud, and she smile a lot.

But behind her smile, she's falling apart.

Sa bawat pag-iiba ay nakikita ko ang pinagdadaanan niya, kung paano siya nasaktan at tumayo sa sarili niya.

Her father always call her lazy where in fact halos siya na lahat ang gumagawa sa kanilang bahay.

Her auntie and grandmother were always chastising her for having such sharp eyes.

All of her friends like her sister more than her.

Then 3 people came into her life. They made her feel important by eating outside, complimenting her, and laughing like there was no tomorrow. But that was all temporary, ang unti-unting masaya na samahan ay biglang lumungkot at nawalan ng buhay.

Her friends found a new friend and left her alone. I saw how she cried because of pain. Habang nakikita ko siyang gano'n ay nakaramdam rin ako ng sakit parang nangyari na 'yon.

Nakita ko kung paano niya ipagsiksikan ang sarili niya.

"Stop! Don't chase them! You don't deserve a friend like them. Please, sarili mo muna!" I shouted at her pero parang wala siyang naririnig, hindi niya rin ako nakikita.

****

L

akad takbo ang ginawa ko habang palingon-lingon, simula kanina ay hindi ko na siya makita. I need to see her, I need to know her more.

I stopped running when I saw a familiar girl, nakatakip ang makabilang kamay sa kanyang mukha at nanginginig ang kaniyang mga balikat. She's crying!

"Miss! Wait!"

Sa kalagitnaan nang paghahabol ko ay may nakita akong truck na papalapit. Napahinto ako sa paghabol at nanlaki ang nga matang napatingin sa kanya. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba na baka masagasaan siya. Pero dito pa lang ay alam ko nang wala akong maitutulong at tanging sarili lang niya ang makakapagligtas sa kaniya.

Ilang metro ang layo ko mula sa likod niya. It seems so near yet so far.

"Stop running! there's a truck!"

Imbis na tumigil ay nagtuloy-tuloy siya sa pagtakbo pati na rin ang truck. Tinanggal niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at unti-unting nanlaki ang mga mata.

No, this can't be!

"AAAHHHHHHH!"

Napabalikwas ako nang bangon at agad na hinawakan ang buong mukha. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko habang inaalala ang mga nangyari bago ako magising.

My family, friends, and the accident.

Naaalala ko na! Nakakaalala na 'ko!

The night before the accident, when I decided to stop forcing myself to fit with them.

A happy go lucky girl who died 4 years ago.

She is me.

The Wanderer's AnthologyWhere stories live. Discover now