MYSTERIOUS CAT

0 0 0
                                    

“Missy, kakain na!”

Wala pang isang minuto ay natanaw ko na ang pusa kong tumatakbo papalapit sa akin. Nagtungo agad siya sa kinalalagyan ng pagkain at nilantakan ito. Hindi man lang siya nag-abalang pansinin ako.

Pagdating talaga sa pagkain ang bilis.

“Gutom na gutom ka, huh,” ani ko at saka hinihimas-himas ang ulo niya.

“Meow,”

“Kung kani-kanino ka na naman nakipaglaro baka mamaya umuwi ka na lang na buntis na,”

Nakuha ko siya last year sa harap ng bahay namin. Lagi siyang nakatambay roon at nakatingin lang sa bahay namin. Hindi ko alam kung kumakain ba siya or umiinom kaya naisipan kong alagaan siya.

Hindi naman ako nagsisisi dahil simula no'ng dumating siya sa buhay ko, parang nawala lahat ng dinadamdam ko. She's a blessing to me.

I almost gave up that time when I saw her looking at me, it feels like she's comforting me, na parang sinasabing nariyan lang siya kapag kailangan ko ng makakausap. Siya na ang naging comfort zone ko simula no'n.

“Kain ka lang diyan ha. Maglilinis lang ako sa bodega,” I said as I pat her head then leave.

Napaubo agad ako pagkapasok na pagkapasok ko sa bodega. Ang daming alikabok sa ibabaw ng mga gamit. Nagsuot ako ng gloves at face mask at saka nagsimulang linisin ang mga malapit sa pinto.

When was the last time I cleaned this? Napakadumi!

Pagkatapos ng isang oras ay malapit na akong matapos. Itong aparador na lang ang lilinisin. Inalis ko muna ang mga karton sa loob.

Tinitignan ko ang bawat laman ng karton dahil baka mayroon pang puwedeng magamit. Napukaw ng atensyon ko ang isang karton, malaki ito ngunit parang iisa lang ang laman dahil sa gaan. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang isang malaki at itim na libro. Kinuha ko ito at inalis ang mga alikabok.

A Photobook?

Sinimulan kong buklatin sa isang pahina, tumambad sa akin ang isang family picture na may nakasulat na "Pamilya Montenegro."

Gano'n din sa iba pang mga pahina. Larawan ng isang pamilya kasama ang kanilang apelyido. Hanggang sa pagbuklat ko sa huling pahina.

Unti-unti kong nailapag ang hawak ko, larawan ito ng aking pamilya. I missed them so much. My parents died two years ago and my siblings has their own family now.

Natapos kong tingnan lahat ng nasa photobook pero iisa lang ang hindi maalis sa isip ko, ‘yung pusang nasa ibabang bahagi ng larawan. It looks like Missy.

Binuklat ko ulit at sinuri lahat ng larawan. Sa lahat ng mga picture ay gano'n ang itsura ng pusa, maging ang pwesto at pose. Kamukhang-kamukha ni Missy!

“Meow,”

Nahagis ko ‘yung hawak ko at napasapo ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Paano siya nakapasok? I closed the door!

“Who are you? What are you doing in ny ancestors pictures?” I whispered while staring at her.

My eyes widened when I saw a smile slowly formed on her face

The Wanderer's AnthologyWhere stories live. Discover now