c h a p t e r - t w o

283 8 1
                                    

Yeng's pov

Alas kwatro na ng matapos ang klase namin at dumeretso agad ako sa opisina ni maylabs ko.
kumatok muna ako bago pumasok tsaka sinara ang pinto.

nakangiti lang ako habang naglalakad papunta sa kaniya. "serr" sigaw ko pero pabulong. tumingin siya sa akin at bumalik din sa laptop niya.

"anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nagpipindot sa keyboard ng laptop niya.

"hinihintay ka" hinagis ko yung bag ko sa ibabaw ng sofa tsaka umupo. tumingin ulit siya sa akin.

"sabay tayo magdi-dinner, right?" crinoss ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko tsaka tumayo para lapitan siya.

"mamaya na yan serr" sinara ko yung laptop niya tsaka umupo sa ibabaw ng lamesa niya. kinuha ko yung mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya tsaka tinignan isa isa.

"ano 'to zerr?" tanong ko habang binabasa ang mga ito.

bigla niya itong kinuha sa kamay ko at tinago sa drawer niya.

"go home" sinabi niya at binuksan ulit ang laptop

"saan naman ako uuwi, aber?" bumaba ako sa ibabaw ng lamesa niya

"pinalayas nga ako sa bahay e sige na, sabay tayo mag dinner" nagmakaawa ako sa kaniya para pumayag siya

"ayoko" sagot niya. pumunta ako sa sofa tsaka kinuha ang bag ko.

"damot mo naman" nilabas ko yung panyo na naiwan niya sa classroom kanina.

"oh ayan yung panyo mo, nakalimutan mo" nilapag ko yung panyo sa lamesa niya at tinignan niya lang.

"buti nga di ko pa inarbor yan" bumuntong hininga ako ng mahina tsaka lumabas ng opisina niya.

hindi yon walk out.... magda-drama lang ako lol

sinara ko yung pinto tsaka sumandal sa pader. bakit?

hihintayin ko siyang lumabas, pipilitin ko siya na sabay kami mag dinner mamaya. di ako mag gi-give up noh parurupukin natin yan wahahahah

5 minutes na akong nakasandal sa pader na halos katabi lang ng pintuan ng office niya.

"tagal naman nun" tinignan ko yung wrist watch tsaka crinoss ang kamay sa tapat ng dibdib ko.

tumayo ako ng tuwid ng makita ko si sir adam na palakad sa hallway kung nasaan ako nakatayo.

"Ms. marielle anong ginagawa mo dyan sa harap ng office ni jeonghan?" tanong niya tsaka huminto sa harap ko.

"ah hinihintay ko lang po yung kaibigan ko na nasa loob" sagot ko tsaka nginitian siya

Sinungaling tayo por todey's bidyeow

"mauna na ako, umuwi rin kayo agad ha" nagpaalam siya tsaka tinapik ang balikat ko.

pagkaalis niya sumandal ulit ako sa pader, pati ang ulo ko. pinikit ko saglit ang mga mata ko habang naghihintay.

maya maya lang bumukas ang pintuan ng office niya. agad kong binuksan ang mga mata ko at umalis sa pagkakasandal sa pader.

hinintay ko siyang lumabas ng opisina niya. tumingin muna ako sa paligid kung may tao ba buti naman at wala. tumagilid ako at sinandal ang braso sa pader habang nakatingin sa kaniya.

"tagal mo lumabas ha" mabilis niya akong tinignan, means.... nagulat siya.

"why are you still here?" tanong niya habang tumitingin sa paligid at baka may makakita sa amin.

"sabay na kasi tayo mag dinner" ngumuso ako tsaka sinandal ang ulo sa pader.

"please?" nagmakaawa ako at baka sakaling pumayag siya.

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now