c h a p t e r - f o u r

253 6 0
                                    

Maaga akong ginising ni jeonghan para pumasok. sinabay niya na ako papunta sa school para hindi na ako maghihintay pa ng bus.

"mauna ka ng pumasok tapos ilagay mo 'to sa office ko" inabot niya sa akin yung bag niya tsaka yung susi.

"san ka pupunta?" tanong ko habang nakatingin lang sa kaniya

"dadaan pa ako ng library" inayos niya yung damit niya bago inunlock yung pinto.

"asan kiss ko?" paghingi ko

huminto siya tsaka tumingin sa akin. nilapit ko ang mukha ko sa kaniya tsaka ngumuso para halikan na lang ako sa labi.

nilapit niya yung mukha niya tsaka tumitig sa labi ko. inangat niya yung kamay niya tsaka tinulak ang noo ko dahilan na napaatras ako.

"late ka na" sinabi niya tsaka lumabas ng kotse at sinara.

"kiss lang naman e.... damot" sumimangot ako tsaka lumabas ng sasakyan.

habang naglalakad ako papasok sa school nang may magtawag sa akin.

"TIBO!!" sigaw ni pres. gelo habang tumatakbo palapit sa akin kasabay ni eunice.

umakbay siya sa akin.

"bigat ng kamay mo" reklamo ko tsaka inalis ang kamay sa balikat ko.

"kanino yan?" tanong naman ni eunice na nasa kaliwa ko.

"kay prof. yoon" sagot ko at inangat ang bag sa tapat ng dibdib ko at niyakap.

"hinahanap ka ni sir aki sa library" nagsalita ulit si gelo.

"bakit nanaman daw?" tanong ko

"ewan ko... crush ka ata e" pagloloko ni gelo kaya siniko ko siya.

"saan mo ba dadalhin yan?" tanong ulit ni eunice.

"ba't ang daldal niyo?" reklamo ko tsaka kumunot ang noo.

"sa office ni sir yoon" sumagot pa rin ako kahit naaasar na ako.

agad na kinuha ni pres. ang bag na hawak ko

"pumunta ka na sa library, pagalitan ka pa ni akitot" asar niya habang tinutulak tulak ako papasok.

"oy gago yung susi ng office ni sir" sigaw ko tsaka sila hinabol sa hallway at binigay kay eunice.

pumunta ako sa library at pumasok sa loob ng tahimik. hinanap ko si sir aki sa pwesto na kung saan ay nakita ko siya nung isang araw.

halos magkatabi lang sila ni sir yoon. lumapit ako kay sir aki.

"sir hinahanap niyo daw po ako" bulong ko atsaka tinignan ako.

"mhm ms. salazar you're here. upo ka dito" inusog niya yung upuan at tinabi sa kaniya.

nakikita ko si jeonghan sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin. umupo ako sa tabi niya.

"ituro ko na lang muna sayo yung susunod na lesson para mamaya" sinabi niya

"ay hindi kayo magtuturo sir aki?" tanong ko na parang gulat.

"nnnope... busy kami mamaya sa faculty" sinabi niya tsaka binuksan ang laptop

"para saan po?" tanong ko ulit

"may program bukas so inaasahan lahat ng students na pumunta sa auditorium" paliwanag niya tsaka pinindot ang files.

umusog ako paharap para makita ko ng maayos ang mga nakasulat doon. inusog niya yung laptop para itapat sa akin.

"i'll teach you para alam mo yung mga gagawin mo mamaya"

kinuha ko yung mouse niya.

"pindutin mo yang documents"

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now