c h a p t e r - t w e l v e

126 8 4
                                    

marielle's pov

"Freaking alarm clock" tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking kanang kamay habang ang kaliwa kong kamay sinusubukang abutin ang maingay na alarm clock upang patigilin ang nakaririnding tunog.

Medyo wala pa ako sa ulirat pero alam ko na hindi ako pwedeng malate kahit na isang subject lang naman ang papasukan ko ngayon.

Tumayo na ako para maghilamos at magpalit ng damit. Nagsuot ako ng puting blouse at puting palda na above the knee lang naman at medyo masikip sa mga hita ko tsaka kinabit ang wrist watch.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako para kumain ng umagahan bago umalis ng bahay.

Habang naghihintay ako ng taxi, my phone vibrates. I took my phone out mula sa aking bag atsaka binuksan ito. Nagtext si eunice, tinatanong niya ako kung nasaan na ako. Sinulyap ko ang wrist watch ko at nanlaki ang mga mata ko.

"7:20?!" Napasigaw ako sa gulat.

Tatlong minuto na lang bago dumating ang professor namin. Mahigit anim na minuto na akong naghihintay ng sasakyan pero wala pa rin akong nakikita. Mahirap sumakay dito sa amin pero ni minsan hindi ako nalate, ngayon palang siguro.

charot?

Hindi ako umuwi sa bahay ni jeonghan, ayaw niya na kasi ako makita at makasama. (hoy joke lang)

Kaya lang ako umuwi sa amin dahil sa mga halaman, mamamatay na kasi pag di pa nadiligan.

Padyak, talon, lakad, kinakaway ang kanang kamay, pero ni isa walang nagsasakay sa akin.

Kung magpasundo na kaya ako kay jeonghan?

wag na, baka madistract lang siya sa kagandahan ko pag ako katabi niya sa sasakyan.

Maya maya konti, isang itim na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Tumayo ako agad dahil baka mag tatanong. Nagbukas ang isang bintana ng kotse...

eunice!!??

"what in the earth is-"

"sakay na!" agad akong pumasok sa sasakyan niya tsaka umandar.

"gosh... kelan ka pa natuto magdrive?" tanong ko habang kinakabit ang seatbelt ko.

"secret. quiet ka na lang" aniya

Ilang minuto ang makalipas, nakarating kami sa university. buti na lang may kasama akong male-late sa subject namin pero may problema e....

"eunice, mauna ka na. naiihi ako e" utos ko bago bumaba ng sasakyan

"gaga ngayon pa talaga? late na tayo" reklamo nito

"Anong magagawa ko? pigilan ko itong ihi ko hanggang matapos yung lecture? edi sumabog naman tong pantog ko" sagot ko

"tschh... sige na, mag cr ka na. mauuna na ako"

Agad akong tumakbo sa pinakamalapit na cr at naabutan kong mahaba ang pila sa cr ng pang babae.

"shit ba't naman ngayon pa" pabulong kong nireklamo.

naghintay na lamang ako ng mga ilang minuto bago ako nakapag cr.

pagkatapos ay dumeretso na ako sa classroom namin kaso papasok pa lang sana ako nang bigla kong marinig ang boses ng terror naming professor.

Professor One.

"Ms??" tanong nito habang nakataas ang mga kilay

"Marielle po, sir" sagot ko naman. tinignan niya ang kaniyang wrist watch tsaka niya ako nilingon muli

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now