c h a p t e r - s e v e n

307 8 2
                                    

Nauna akong nagising kay jeonghan. binangon ko ang ulo ay napansin ko na nakapatong pa rin ako sa kaniya. di niya ako pinaalis...

yieeee kilig kalamnan ko.

dahan dahan akong umalis sa kaniya at tumayo. kinuha ko yung kumot tsaka tinakip sa kalahati ng katawan niya.

kinuha ko muna yung tsinelas niya at bumaba. alas singko na pero wala pang araw. naghilamos ako tsaka nagmumog para naman mawala yung panis kong laway.

since wala naman akong magawa, ako na lang magluluto ng almusal namin.

kumuha ako ng dalawang itlog sa tray at binatil para isahan ko na lang itong iluluto. nang maluto ko ang itlog sinunod ko na ang kakukuha ko lang na hotdog.

habang nagpiprito ako ng hotdog sinabay ko na ang pag sangag ng kanin sa kabilang kawali at hinalo ang scrambled egg na niluto ko.

maya maya lang bumaba na si jeonghan habang kinakamot ang kanan niyang mata.

"anong ginagawa mo?" tanong niya habang inaayos ang paningin niya.

"naglalaba" sagot ko. tumitig lang siya sa akin.

"malamang nagluluto" sinagot ko siya ng maayos. pumasok siya sa banyo para maghilamos.

"kain na!" sigaw ko kay jeonghan na pahanggang ngayon ay nasa cr pa rin.

pumunta ako sa banyo para katukin siya doon. "mahal?" tinawag ko siya habang kumakatok

bumukas ang pinto at lumabas siya "bakit ang tagal mo?" tanong ko tsaka naglakad papunta sa dining area.

hindi siya sumagot at umupo lang sa harapan ko. parang wala ata siya sa mood ngayon ha. hindi ko na siya kinausap pa dahil baka mas lalo pang uminit ang ulo niya.

pagkatapos non ay sabay na kaming pumasok sa school. hindi niya pa rin ako kinakausap, tahimik lang siya ng buong byahe.

"Yeng alam mo ang tagal mo ang dami ng tao sa audi" sinalubong ako ni eunice kasama si pres.

"gagi may program nga pala ngayon 'no" humawak ako sa bisig ni eunice at pinatong ang tenga sa balikat niya.

naglakad kaming tatlo papunta sa auditorium and as expected, ang daming tao na halos mapuno na ang audi.

"ikaw kasi ang bagal mo" reklamo ni pres. tsaka marahang hinampas ang braso ko.

"ay wow sinabi ko bang hintayin niyo ako?" sarkastikong tanong ko habang nakapamewang.

"balik ulit tayo sa pagkakatayo" walang ganang sinabi ni eunice.

maya maya lang nag-announce ang teacher sa stage.

"tumayo po tayong lahat" tumingin sa akin si gelo

"hoy tibo tayo daw" sinamaan ko siya ng tingin. tumawa si eunice at sunod si gelo

"nakatayo ako punyawa ka" tumayo pa ako ng tuwid para medyo tumangkad ako

lol....

nakatayo lang kami doon ng mga ilang oras, nagkwekwentuhan na lang kami doon sa likod.

dumako ang tingin ko kay sir yoon na nakasandal sa pader na medyo malapit sa amin. he was tilting his head from side to side.

is he okay?

kanina pa siya walang gana simula nung pagkagising niya. hindi ko na lang siya pinansin at nakipag-usap na lang ulit kila pres.

mahigit tatlong oras kaming nakatayo doon at buti naman natapos na ang program.

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now