c h a p t e r - e i g h t

196 9 11
                                    

15 minutes na akong gumagawa ng reporting ko at nakatulog na si jeonghan sa upuan niya. nabigla lang siguro ang katawan niya kasi sunod- sunod ang mga trabaho na ginagawa niya. halos hindi na siya nakakapagpahinga ng maayos.

nilingon ko sandali si jeonghan at ang sarap na ng tulog niya. ganda siguro ng panaginip neto. 'di kaya gumagawa kami ng baby sa panaginip niya kaya napasarap ang tulog niya?

charotism...

bumalik na ulit ako sa sinusulat ko para tapusin na ito. nagvibrate ang phone ko sa tabi ko kaya kinuha ko ito. may mensahe nanaman galing kay eunice. pinindot ko ito at binasa ng tahimik.

eunice: "natapos mo na yung reporting?"

yeng: "malapit na bakit?"

eunice: "ayt sana all"

eunice: "si gelo kasi nanggugulo, asan ka ba mukhang payapa ata buhay mo at focus na focus ka"

yeng: "secret"

eunice: "sabihin mo na para samahan kita"

yeng: "nasa bahay ako"

eunice: "gago ka"

yeng: "ge na tapusin ko na 'to"

eunice: "ikaw ha ang damot mo"

hindi ko na siya nireplyan at pumunta na lang sa fb para maghanap ng issue... chariz hindi ako marites

pa-scroll-scroll lang ako doon yung reporting ko malapit ng amagin. pinatay ko na ang phone ko at binaba na ng pataob para hindi istorbo.

konti na lang at matatapos ko na ang reporting kaso tumunog yung bell ibig sabihin pupunta na kami sa next subject namin.

"puta kung kelan matatapos ko na dun pa nagbell" irita kong binulong para hindi ko magising ang bebe ko.

sinubukan ko siyang tapusin kaso kanina pa vibrate ng vibrate cellphone ko kaya di na ako nakapagtimpi pa at niligpit ko na ang mga gamit ko dahil panigurado sesermonan nanaman ako ng susunod naming teacher.

nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba si jeonghan para magpaalam kaso wag na lang kasi isa lang naman utak ko bakit pa ako magdadalawang isip.

nag-iwan na lang ako ng halik sa noo niya at inayos ang blazer pataas sa balikat niya para hindi siya lamigin masyado. sinilip ko yung aircon at nasa 24 degrees naman pero pinatay ko pa rin ito para pagpawisan siya at mailabas ang init sa katawan niya.

lumabas na ako ng opisina bitbit ang notebook at yellow pad paper kung saan ako nagsusulat ng reporting para bukas.

nagtext na rin ako kay jeonghan na babalikan ko siya mamaya sa office pagkatapos ng klase. hoping na hindi siya magising sa ingay ng phone niya dahil lang sa iisang text ko sa kaniya.

papunta pa lang sana ako sa classroom nang may humila sa akin patalikod dahilan na napaatras ako.

lumingon ako sa likod ko pero huli na ang lahat kasi nasa tabi ko na siya.

"nakita kita sa office ni prof. yoon" nagulat ako sa sinabi ni eunice pero syempre hindi ko pinahalata kasi ayoko lang talaga.

"ano?" tanong ko na kunwari wala talaga akong alam

"bakit ang demanding ha?" natatawa niyang tanong

"ano, bakit ba?" tanong ko ulit para hindi niya mahalata.

"bakit namumula ka?" tanong ulit ni eunice na ikina-irita ko

"ano nga kasi yon? deretsuhin mo na nga" napakamot ako sa ulo ko dahil sa inis

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now