c h a p t e r - s i x

247 12 0
                                    

Pagkatapos ng klase namin, nagsiuwian na ang iba kong mga kaklase habang ako nakasandal sa pintuan ng sasakyan ni mylabs ko.

pinauna ko na sina eunice at pres. kasi sasabay naman ako kay jeonghan pauwi.

patingin tingin na lang ako ng oras sa phone ko since wala yung wrist watch ko. bakit kasi nilo-lock niya pa yung kotse niya, hindi tuloy ako makapasok.

Umalis muna ako sa kotse niya at umupo sa upuan na nasa tabi ng mga halaman.

hinintay ko lang siya doon hanggang sa makalabas siya sa opisina niya. malayo palang ay natatanaw ko na siya. nang malapit na siya sa kotse niya tumayo na ako at naglakad papunta sa kaniya.

buti na lang wala ng masyadong tao kasi hapon na siya nakakalabas.

"ehem ehem" umubo ako

"buksan mo dali may teacher" nagmamadali kong sinabi at agad niya namang ginawa. mabilis kaming pumasok sa loob ng sasakyan at sinara.

nang makaupo kami sinuot ko na ang seatbelt ko tsaka tumingin sa kaniya

"uto uto ka rin pala ano?" natatawa kong biro.

tumingin siya sa labas para tignan kung may teacher nga bang dumaan.

"ano nanaman ba?" medyo tinaasan niya ako ng boses

"ano nanaman ba???" inulit ko ang tanong niya

"uwi na tayo sa bahay natin, mahal ko~" malambing kong sinabi at humawak lang siya sa manubela at bumuntong hininga.

"akala ko ba isang gabi ka lang sa bahay?" humarap siya sa akin

"yeng pinayagan lang kita matulog sa bahay kasi sabi mo pinaalis ka ng ate mo" mahinahon niyang sinabi

"iuuwi na kita sa inyo" inandar niya na ang sasakyan tsaka umalis

"ayoko doon, dun na lang ako sa bahay mo" umingit ako

"no... sa ayaw at sa gusto mo ibabalik kita doon" binilisan niya ang takbo ng sasakyan.

tumahimik na lang ako dahil sa inis. nang makarating kami sa bahay, tinanggal ko na ang seatbelt tsaka lumabas ng sasakyan niya.

di ko na siya tinignan at kinausap at padabog na sinara ang pinto ng kotse niya.

binuksan ko na ang gate ng bahay pero hindi pa rin nakakaalis ang sasakyan niya.

Jeonghan's pov

hinatid ko na siya sa bahay nila dahil nangako siya na isang gabi lang siya sa bahay ko. kanina pa siya tahimik simula nung umalis kami.

tumingin ako sa kaniya at tinatanggal niya na ang seatbelt niya tsaka lumabas ng sasakyan nang hindi ako tinitignan.

tinitignan ko lang siya hanggang sa makapasok siya sa bahay nila. bumuntong hininga muna ako bago umalis.

***

Marielle's pov

Nag-away kami ni ate dahil dinala niya nanaman ang boyfriend niyang gago sa bahay namin. kinuha ko yung mga gamit ko at umalis ng bahay.

sumakay ako ng taxi para pumunta sa bahay ni jeonghan. nagtamo ako ng sugat sa mukha dahil sa kalmot at sabunot ni ate.

pinahinto ko ang taxi sa tapat ng bahay ni jeonghan at nagbayad kay manong.

dahan dahan kong binuksan ang gate niya at pumasok. tumayo ako sa tapat ng pintuan niya at mariin na bumuntong hininga bago kumatok.

naghintay lang ako ng ilang segundo bago magbukas ang pinto. nang mabuksan niya ito, nakasilip muna siya sa likod ng pinto bago binuksan.

Professor's Secret RelationshipWhere stories live. Discover now